Chapter Three

167 4 0
                                    

CHAPTER THREE [PUNISHMENT]

ETHAN’s POV

Finally! Nagka POV rin! Curse you dadansenoro! Tss. Parang wala lang kasi ako dito! Che!

Buti nalang nagka-POV na ako!

Ako nga pala si NEIL ETHAN BONIFACIO, son of Mr. Ronaldo Bonifacio & Mrs. Eula Bonifacio. Na may-ari ng isa sa mga naglalakihang Hotel, Restaurant at Mall dito sa Pilipinas.

Excited na nga akong mawalan ng hininga tong ama ko eh! Para ako na ang pumalit! Bwahahaha! *evil laugh*

So? Yun na nga. May tanong pa? Pabugbog kita dyan eh! tss.

“Sir Ethan? Sir?” maid namin.

*Stretch ng arms*

“What?!”-ako

“A-e. Pinapa-g-gising na po kayo sakin ni sir ronald.”

“Oh? Sinunod mo naman?”

“O-Opo s-sir.” Bakas sa mukha nya yung pagkatakot, nakakainis kasi ng iistorbo sa pagtulog ng tao.

“Tss. Get out!!!” sigaw ko.

“E-eh si-sir?”

“I SAID GET OUT!!!”

Tumakbo na sya palabas ng kwarto ko, natakot sakin. HAHAHA. Well? Niel Ethan Bonifacio ata toh!

Magtataklob palang ulit sana ako ng kumot ng biglang.

“ANO? MR. BONIFACIO? WALA KA PANG BALAK BUMANGON?!”

Si...

 Si PAPA.

May dala-dalang latigo si papa,  habang lumalapit sakin, inihahampas nya yung latigo nya sa ere.

Malapit na si papa sakin.

Konting lakad nalang.

Napapaupo nalang ako sa kama ko,

Konti na lang.

Ito na! Waaa!!

“Oh? Honey, not again.”

Napamulat nalang ako ng may umakbay sakin, tapos hinahaplos yung likod ko.

Isa lang naman ung kilala kong lageng humahaplos sa likod ko.

At yun ay si.

“Mama? Waaa! Mama!”-ako, bigla akong yumakap sa kay mama.

Nakakatakot kasi ung itsura ni papa eh! Like, f*ck!

“Eula? Honey? Lumayo ka sa batang yan. Ethan!” Sigaw ni papa.

“No. Hindi ako aalis sa tabi ng anak ko. Gusto mo ikaw yung latiguhin ko ha?!”

“E-eh honey? Tuturuan ko lang ng leksyon yang anak natin.”

Napakamot nalang bigla si papa sa ulo nya.

“Gusto mo ikaw yung turuan ko ng leksyon?”

Tumayo na si mama sa pagkakatabi sakin, tsaka nagcross arms sa harap ni papa, na ngayon parang batang walang maidahilan.

“Pero honey?”

“Shut-up you old man! Malaki na yang anak natin. Halika rito! Ikaw yung tuturuan ko ng leksyon.”

Lumakad na si mama, hawak-hawak yung kwelyo ni papa.

Tas huminto sa pintuan ng kwarto ko.

“Ethan? Darling? Your breakfast is already served. Kain ka na ^__^ I love you!”-mama

IM INLOVE WITH THE VARSITY PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon