Chapter - 3 [ EXCHANGE STUDENT ]

139 13 0
                                    

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter - 3 [ EXCHANGE STUDENT ]

SAM'S POV

"Sam! Tapos na~" Sabi ni Tita Ameil.. Naputol tuloy pag-sesenti ko dito -_-
May bigla namang lumapit sakin ang isang cute na babae pero naka-suot parin ng salamin. Well, Alam nyo na kung sino sya.

"Mae." Sabi ko at saka sya nilapitan.

"A-ano.. Master.. Okay lang po ba?"Inosente nyang sabi. At napa-ngiti naman ako dun.

"Okay na sana eh. kaso yang salamin mo. Masyadong PANIRA."

"W-wala po kasi akong pambili ng contact lense..." Nung sinabi nya bigla naman may nag-pop sa utak ko. 

"Okay." Maikli kong sagot at sabay punta sa counter para mag-bayad.

Pero nung nilabas ko yung black card ko tinatanong ko muna kung mag-kano yung bill.
Pero bago ako mag-salita ay biglang sumingit si Mae.

"Wow.. Black Card.. Mayaman naman po pala kayo, Master pero bakit po kayo nag-aaral sa isang Public University?"

"Mas marami kasi akong nagagawa kapag sa public school ako nag-aaral *lingon kay tita* Magkano?"

"4.575php" -- Tita Ameil

Di ko a pinarinig kay Mae yung presyo dahil mag-rereklamo nanaman toh.  Saka ko binigay sa kanya yung card ko. Umalis na rin kami dun sa salon din kung maka-tingin sakin yung mga nag-tatrabaho dun parang gusto nila gupitan yung buhok ko -_-. Dumiretso naman kami sa optical shop para bilan ng lense si Nerdita.

"Nerd, Pumili ka ng gusto mo."

"Ano.. Okay na ako dito.."

"I insist. Ayoko ng slave na panget."  Di naman talaga sya panget eh. Yung makapal na frame lang talaga yung nagpapapanget sa kanya.

"O-okay.."

Chineck-up nung nag-babantay dun yung grade ng mata nya saka binigay sa kanya yung Lense na gusto nya at binayaran ko naman. Tinignan ko yung watch ko 11:45am palang pwede na kaming mag-lunch

Automatic McDo bagsak namen -_- Gutom na rin ako

"Umorder ka ng gusto mo. Basta yung akin 2 large fries at 1 large hot fudge sandea" Sabi ko sabay abot ng card ko sa kanya. Kinuha naman nya yung at ako naman at nag-hanap ng upuan namen. Habang tinitignan ko sya ay saka ko pinansin yung sumunod samen

Oo. Kanina ko pa nararamdaman na may sumusunod samen. Mula sa school, Sa Salon at dito.
At kilala ko sya.

Mr.Maldito Meet Ms.Gangster [ SLOW UPDATE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon