chapter 11 - 3 years later

121 5 2
                                    

Kris POV

Maraming nangyari sa loob ng tatlong taon, may masaya at malungkot. Masaya dahil naging engineer na ko, malungkot dahil nawala na si abby.

kris: mauna na ko, may dadaanan pa ko eh.

bea: dadalawin mo sya?

kris: birthday nya ngayon eh.

daniel: oo nga pala, ngayon nga yun.

kris: sige ah, next time ulit.

kath: sige na, ingat ka.

jake: ingat.

Papunta na ako ngayon sa cementery, pagdating ko nagtirik ako ng kandila at nilapag ko ang dala kong bulaklak sa puntod nya.

kris: happy birthday... abby, pasensya na ngayon lang ulit ako naka dalaw. busy eh, 2 years na pala medyyo matagal na. alam ko msaya ka kung nasaan ka man naroroon ngayon.

Bigla ko naman naalala ang nakaraan, nung araw ng umuwi si abby dito at ang paghihiwalay namin ni joyce. Yun ang simula ng lahat, kaya ko sya pinili dahil may sakit na sya nun. Kaya sya umuwi imbes na ipagpatuloy ang pagpapagamot sa states ay dahil sa akin. Gusto nya akong makasama hanggang mamatay sya, mas gusto nya pa makasama ang mga taong mahal nya sa natitira nyang oras dito sa mundo. Wala akong pinagsabihan ng tungkol sa sakit ni abby kaya nagulat na lang sila jake ng namatay si abby. Hindi naman ako nagsisisi kahit na pinakawalan ko ang babaeng mahal ko dahil sa kanya, dahil alam kong may pinasaya akong tao sa huling sandali ng kanyang buhay. 

*******

kinabukasan nagkita- kita ang barkada sa bahay nila kath.

jake: kris pare..

kris: ano bang meron at parang importante ata to.

daniel: siguradong matutuwa ka good news.

kris: ano nga? aba nagmadali akong umalis ng office dahil dyan.

bea: si joyce... si joyce

kris: si joyce, nasa new york diba?

kath: si joyce.. babalik na..

Masyang masayang ibinalita nila ang tunngkol sa pagbabalik. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman diba dapat masaya din ako? pero bakit ganun, parang natatakot ako na hindi ko alam.

joyce POV

After 3 years naka uwi na din ako dito sa pilipinas.

kath: joycccee, i miss you. (hug kay joyce)

joyce: i miss you too kath.

kath: grabe wala ka pa ding pinag bago, maganda kapa din.

joyce: ikaw din, kamusta kayo ni daniel?

kath: kami pa din :)

joyce: oo nga pala, may gusto akong ipakilala sayo.

kath: sino?

joyce: gusto ko kapag, ipinakilala ko sya. nandun kayong lahat.

kath: ganun, sige na nga.

Saturday ng pinapunta ko ang barkada sa bahay. And after 3 years nagkita muli kami ni kris.

joyce: hi :)

kris: h-hi, kamusta?

joyce: ito okay na :)

Biglang lumapit sa akin si yaya.

yaya: ma'am ito na si baby akirah.

Sabay bigay sa akin ang 7 months old na baby.

joyce: guys, gusto kong ipakilala sa inyo ang aking daughter.. si baby akirah.

Gaya ng inaasahan ko nagulat sila sa announcement ko.

kath: daughter as in anak?

bea: teka, nag asawa kana?

jake: tsk, wala ka ng pag asa kris.

kris: masaya ako para sayo.

daniel: kailan kapa nag asawa?

Hahaha...natatawa ako sa mga reaksyon nila, hindi ko akalain na ganun sila maka react. Tiningnan ko naman si kris, nakikita ko sa mga mata nya na parang dismayado sya? nagtaka naman ako, lalo na ng sinabi ni jake na wala ng pag- asa? kanino sa akin. Naghiwalay na kaya sila ni abby?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

May asawa at anak na nga ba talaga si joyce?? abangan....

Puzzle of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon