CHAPTER 12

1 0 0
                                    

Stan Castillio

"sir sino yan ?" taka kong tanong.

"magkaibigan sila. Bakit hindi nya sakin sinabi ? Bakit angel" sambit nito.

Kinuha ko ang larawan at nabigla din ako. Si Angel at si.. Melissa. Pinaikot ko ang larawan at may nakasulat dito MY BEST FRIEND.

"alam mo ba ito sir ?" tanong ko.

"hindi ko alam na magkaibigan sila, hindi nya sinabi sakin yan. Maski ako ay nagulat. Bakit kaya hindi nya kinikweto sakin yan ni angel" sagot nito.

"tara na punta tayo sa bahay ni melissa bilis" sambit ni sir carter sabay alis sa second floor.

Nagkatinginan kami ni Grace at sumunod narin kami.

Nakita namin si sir nasa kotse na at binubusenahan kami.

"BILISAN NYO NAMAN !!" pasigaw na sambit ni sir carter.

Tumakbo na kami at sumakay na sa kotse at pinaandar ko na agad ito.

Habang nasa daan kami napansin ko na seryoso ang espresyon ng mukha ni sir carter at nakatitig lang ito sa kalsada, kay hindi ko na sya pinansin pa at nagfocus na alang ako sa pagmamaneho.

+++++++++++++++++++++++++++

Nakalipas ang ilang minutong sa daan nakarating nakami sa bahay ulit ni Ms Lee. Pagkapara ko ay sabay labas naman ni sir Carter sa kotse at sumunod na rin kami ni Grace.

Binuksan agad ni sir Carter ang pinto at pumasok na ito.

Mabilis syang pumunta sa ikalawang palapag at pumunta agad sa ikalang kwarto bumungad samin ay maraming kahon sa loob ng kwarto.

"sir maraming kaho dito ah  at anong kahon ba ang hinahanap mo ?" tanong ko.

"ewan ko basta hanapin na natin kahit buksan pa natin ang mga kahon nato wala akong pakielam basta mahanap natin yung kahon ng gamit ni Melissa" sagot nito at binuksan namin ang kahon isa-isa.

Nakalipas ang dalawang oras na paghahanap bigla nalang sumigaw si Grace.

"DITECTIVE STAN ASAN KAYO "sigaw nito.

Kaya lumapit kami kung nasaan si Grace at nakita namin ang mga gamit ni Melissa.

Agad kinuha ni sir ang kahon at inilabas sa kwarto at dinala sa sala at doon nilabas ang mga gamit sa loob.

Nilabas nya ang lahat ng laman ng kahon at meron syang nakitang photo album, agad ito binuksan at bumungad ay larawan ni Angel at melissa magkasama. Nilipat ni sir ang pahina at marami pang larawan nila.

After tingnan si sir ang photo album may kinuha pa syang medyo nalaking notebook at ang nakasulat dun ay OUR DIARY WITH MY BEST FRIEND MELISSA LEE binuklat ito ni sir.

Ang bumungad ay yung picture ulit nilang dala ni Angel, nilipat ito ng pahina at ang nakalagay na date ay 11,05,2005.

"sir ?" alala kong tawag sakanya.

Tumingin lang sya sakin at bahagyang ngumiti at binasa ang nasa loob ng dairy nila Angel at Melissa.

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ang kwartong nakita namin na nay libro sa loob. Lumapit ako sa table kung saan nakapatong ang libro at tumalungko, at may napansin akong kakaiba sa pagkakapwesto nito.

Inasog ko ito at nakita ko na may gasgas sa sahig, sa sobrang patataka ko kinapa ko ang buong pader at may nakawakan akong parang may pindutan kaya i-press it at dahan dahan itong bumukas at bumungad sakin ang paikot na batong hagdanan at sa gilid nito ay mga lantern at kusang umisindi ito.

"GUYS TARA DITO !" tawag ko sa kanila habang nakatitig parin sa daanan.

May narinig akong yabag at bumukas ang pinto nakinalingon ko.

Nakita ko si Grace at si Sir Carter. Nakikita mo sa kanilang mukha ang paglagulat sa nadiskubre ko.

Lumapit si Grace at nagtanong.

"saan patungo ang hagdanan na yan ?" tanong nito.

"hindi ko alam" sagot ko.

"kung gusto nyong malaman tara pasukin natin" sambit ni sir at sinundan ang hagdanan.

"Saan kaya ito patungon ?" tanong ko muna sa isip at sumunod kay Sir Carter.

Melissa Lee ( She' Dead Or Not )Where stories live. Discover now