CHAPTER 9

0 0 0
                                    

Ditective Carter

Habang nagtatawanan kami ng biglang may kumatok sa office ko. Lahat kami ay napatigil at tumingin kung sino ang nasa pintuan.

"chief" sabay naming bati at sumaludo.

"nagkakasiyahan kayo dito ah" sambit ni chief sabay pasok.

"nagrerelax muna po kami para po mabawasan ang stress namin" sambit ni Stan.

"ok ganun ba sige pwede muna ko kayo makausap" sambit ni chief sabay seryoso sa boses nito.

"ok chief" sambit naming tatlo.

"ok tungkol ito sa kasong iniimbistigahan nyo" seryosong sambit nito.

Naging seryoso na kaming tumingin kay chief habang nagsasalita ito.

"ang hawak kong papel na to ang resulta ng autopsy kay Ms lee at ang nakalagay dito at walang nakitag pasa, sugat, kahit poison ay wala"  sambit ni chief na kinagulat namin.

"ok" sambit ko sabay hawak sa baba ko.

"tapos ang sa bahay naman ay may patak ng dugo sa sahig patungo sa second floor kaso tumigil ito sa kwarto na may malaking aparador, nilibot namin ang buong kwarto pero walang pwedeng pagtaguan at kahit wala ding secret door at iba pa. Kaya napagisip-isip ko na kayo ang magdouble check sa kwartong yung kung may mahahanap kayo clue" sambit ni chief at utos na rin.

"yes chief" sambit ko sabay saludo.

Tumango lang si chief at lumabas ng office. Naiwan kaming tatlo sa office at nagusap-usap kami kung ano ang gagawin namin.

"ok ano ang gagawin natin at kanino ang nakita nilang patak ng dugo ?" sunod-sunod na tanong ni Grace.

"ok tara na pumunta na tayo" sambit ko sabay labas sa office.

Naglalakad na ako palabas ng tumingin ako sa likod ko hindi pa sila sumusunod.

"hindi ba kayo sasama ?" tanong ko.

"ayan na kami" sagot ni stan.

Nakita ko na silang lumabas ng office.

"bakit ba ang tagal nyo ?" tanong ko habang naglalakad kami palabas.

"may kinuha lang kami" sagot ni Stan at napansin ko na ilang sya kay Grace.

"ganun ba ok convince ako sa sagot mo" pabiro kong sambit.

"ano ba ang ibig sabihin ng yan sir ?" takang tanong ni Stan.

"wala lang" sambit ko habang naglalakad palikod na nakaharap sa kanilang dalawa.

"ako meron akong tanong ?" sambit ko habang may ngiti sa labi ko.

Huminto ako at tumingin sa kanilang.

"bakit ka ilang kay Grace stan ?" diretsya kong tanong habang nakangiti.

"anong klaseng tanong yan sir ?" sambit ni stan habang namunula ang mukhang ito at si grace.

"ditective bakit ganyan ang tanong mo ?" galit na sambit ni Grace.

"ala lang" biro kong sambit at pinagpatuloy ang paglalakad ko.

"baka nagkagustuhan itong dalawang to ?" biro kong tanong sa isil ko.

"bilisan nyo love brirds" biro kong sambit na kinagulat nilang dalawa.

"WHAT !! HINDI KAMI LOVE BIRDS" sabay nilang sambit.

"ok sinabi nyo eh" biro ko pang sambit.

+++++++++++++++++++++++++++

Sumakay na kami sa kotse at papaunta na sa bahay ulit ni Ms Lee para maghanap ulit ng clues at malaman kung saan huminto ang patak daw ng dugo. Ewan ko hay ?!.

"sir ano ba yung ibig mong sabihin kanina ?" nakangusong tanong ni Stan habang nga didrive ng kotse.

"sir yuhoo !!" sambit nito.

"huh ? May sinasabi kaba ?" balik kong tanong.

"sir bakit ka naman tulala dyan at hindi mo parin sinagot ang tanong ko" sambit ni Stan.

"huh ? Ahmmmm ?" hiya kong sambit.

"huh? Ahmm ? Sir hindi yan sagot" sambit ni stan.

"meron kaba tinatanong ?" taka kong tanong.

"sir naman ano ba ang problema ?" tanong ni stan.

"wala magdrive ka nalang dyan" utos ko.

Hindi nalang umimik si stan bagkus ay nagfocus nalang sa pagmamaneho.

"bakit ba kasi bumalik kapa ? Sa oras na makakalimutan ko na ang masamang nangyari, bakit ngayon pa ? Bakit ?" tanong ko sa sarili ko.

"sir ?" seryosong sambit ni stan.

"bakit ?" tanong ko.

"may sumusunod satin ?" sambit ni stan.

Melissa Lee ( She' Dead Or Not )Where stories live. Discover now