Mr. Psychopath: despair

76 2 0
                                    

(So i have decided to use filipino as my medium in creating this "story" so pls enjoy.)

Chapter 1: the angel

Gusto ko simulan itong kwento na ito sa pag papakilala kay sofia at sa pag kukwento ng tungkol sa kanya at tungkol nadin samin. Mag kababata kami ni fia at sabay kaming lumaki, lagi kaming mag kasama at close na close kami sa isa't isa, we were basically inseparable, siya yung partner in crime ko, siya yung other half ko at kung wala siya..hindi ako makokompleto.

Halos sabay kami pinanganak ni fia, nauna lang ako ng 3 oras ipanganak kay fia, isa na siguro yun sa mga dahilan bakit kami sobrang malapit sa isa't isa. Bukod dun ang pamilya namin ay sobrang malapit, kaklase ni mama nung college yung nanay ni fia, malapit din silang dalawa at sila din ang mag kasama at nag tutulungan nung college sila, nag karoon ng kasunduan ang mga magulang ko at ang mga magulang ni fia na ipapakasal sa isa't isa ang mga magiging anak nila, hindi yun natuloy dahil ang unang anak ng mga magulang ni fia ay nalaglag, at nag kataon na babae naman ang unang anak nila mama at papa, 3 taon ang lumipas at sa wakas isinilang ang isang malusog na anghel na babae at ang isang malusog na demong lalaki, tuwang tuwa ang mga magulang namin dahil sa wakas matutuloy na ang napag kasunduan nilang kasal, even tho wala kaming choice or hindi namin alam ni fia nung mga bata pa kami na ikakasal pala kami pag nasa tamang edad na kami.

Nov 25, 2004

3rd bday namin ni fia yung araw na yun, todo iyak ako kasi mas nasunod ang theme na barbie kaysa sa super heroes pero ok lang naman kasi maraming ice cream nun para patahimikin ako since fav ko yung ice cream, hindi ko makakalimutan itong araw na ito dahil ayun yung first kiss ni fia sa cheeks ko nung iyak ako ng iyak, kaso after nya ako ikiss lalo akong umiyak at inaway ko si fia nun, hayst hindi ko man masyado matandaan yung mga nang yari nung 3rd bday namin ni fia ok lang... Kasi pag nakikita ko yung reaction nila mama at papa pag inaalala nila yun or kapag kinukwento nila yun sakin nakikita ko kung gano sila kasaya nung araw na yun.

June 2, 2007

1st day of school in elem namin ni fia tong araw nato, natatandaan ko pa na halos iyak ako ng iyak ng iwan ako nila mama sa school kasi "big boy" na daw ako, samantalang si fia naman ay nakahawak lang sa mga kamay ko buong klase at hangang makauwi kami. (she's such an cute angel)

Aug 18, 2007

Itong araw na ito yung unang unang beses akong nakipag away, natatandaan ko pa nung sobrang lakas mang asar ni fia nun dahil lang alam niya na papagalitan ako ni mama dahil sino nga naman ba ang hindi magagalit kung tawagan ka ng school guidance councilor at sabihing nanaksak ng lapis yung anak mo?. (still pretty funny for me tho)

April (-), 2010

Kakalipat lang namin ng bahay nung mga araw nato, hindi ko man matandaan ang exact date ng pag lipat namin tandang tanda ko naman ang pag iyak ko dahil mag kakalayo kami ni fia... Halos maubos na tubig ko sa katawan kakaiyak nun... Pero nagulat ako nang malaman kong susunod din pala sila sa lilipatan namin!... Looking back then narealized ko na hindi pala ka surprise surprise yung pag sunod nila..after all mayaman sila fia..pero nung bata pa ako surprise na surprise talaga ako nun at sobrang saya ko.

March (-), 2013

Kakagraduate lang namin ni fia ng grade six, mag kahalong saya, lungkot at pag kalito ang nararamdaman ko nun, masaya ako nun dahil natapos ko na ang easy level ng school life, samantalang nalulungkot ako dahil mag sisimula na ang normal level ng school life, balita ko sa ate ko ay nakakatakot daw sa highschool dahil makakaranas na kami maging busy at mapuyat, pero masaya naman daw, nalilito ako nang mga panahon nayan dahil ayaw kong lumipat ng school..i mean ok lang naman sa school namin pero public daw kasi and ayaw ni mama at papa na mag tuloy pa ako sa public dahil sabi nila sayang ang utak ko at utak ni fia sa public school dahil hindi daw kami matututukan, pag tapos ng graduation at ng pictorial dumiretso na ang pamilya nila fia at pamilya ko sa mall at kumain sa "Dads" habang busy ang mga magulang namin sa pag kukwentohan at busy naman si ate kay ian kami namin ni fia ang mag kausap,

Mr.PyschopathWhere stories live. Discover now