ALPHABET NG TANGA

0 0 0
                                    

Sa letter A
ARAW na nakita kita, pero hindi pa kilala
Nakita mo rin ako, pero wala kang pakialam 'di ba
Tinitigan kita hanggang sa ako'y nagsawa
Pero nahuli kita, nahuli kitang nakatingin sa iba.
Letter B
BILANG pa ba sa akin daliri,kung ilang beses na akonh nasaktan?
Kasi ikaw, baka gusto mo pang dagdagan
Dagdagan at ipamukha mo sa 'king dimo ko pagbibigyan
Bakit kapag palagi akong nagmamahal, sakit ang nararamdaman?
Letter C
CRUSH lang naman kita, pero bakit lumala
Lumala, na dumating sa punting kahit walang tayo, ako'y nasasaktan na
Nasasaktan mo nang di mo inaakala
Inaakala na may nagmamahal pala sayo,eh di mo kilala.
Letter D
DATI naman hindi ako ganito
Pero bakit pagdating sayo, nawawala ang dating ako
Ako, na dating ay sa iba umiikot ang mundo
Pero nung Nakita kita, nagbago ang takbo nito.
Letter E
EWAN ko ba, pero sa tingin ko dapat na 'tong tapusin
Tapusin, kung ano man ang tinitibok ng damdamin
Tapusin, para hindi grabrng sakit ang danasin
Tapusin, ang pagiging assuming
Letter F
FINALLY, nagawa ko ring lumimot
Lumimot, dahil ako'y  natatakot
Natatakot, sa sakit na maaari nitong idulot
Pero pano,pano ba makalimot?
Letter G
GAWA ng nararamdaman ko sayo
Naging malikhain ang 'sang tulad ko
Naging malikhain, na dumating sa point na
Nakikita ko ang future ng isa't isa
Na ikaw ay masaya
Masaya, syempre sa piling ng iba.
Letter H
HINDI makakailang hulog na nga
Hulog na hulog, na di alam kung babanhin pa ba
Hulog na hulog na hulog, na kahit nasasaktan na, sasabihin pa ring,
Sige pa, kaya pa
Hulog na hulog, na hulog na hulog sa isang isang taong pagmamay ari na ng iba
Letter I
ITUTULOY pa ba o titigil na
Eh wala na nga 'kong tiyansa,nasasaktan pa
Pwede bang walang tiyansa na lang
At hindi na nasasaktan.
Letter J
JELOUS, ako'y nagseselos pag nakikita kong mag kasama kayo
Pero wala akong karapatan sayo
Isa lang naman ako
Sa mga taong taga hanga mo.
Letter K
KAILAN ko kaya masasabi ang salitang tayo
'Yong merong ikaw at Ako
'Yong masasabi kong nag-iibigan tayo
At matatawag kong, mahal ko
Letter L
LAGI na lang bang ganito
Na sa tuwing ako'y iibig, sakit ang kapalit into
Nag mahal lang naman ako
Pero setbu, ang sakit tagos sa ugat ko
Letter M
MAY pag-asa ba akong maging sayo
At ikaw ay maging akin sa dulo
O kaya hanggang sa panaginip lang talaga 'to
Kasi kung ganun, mag-aalarm na 'ko.
Letter N
NAGHIHINTAY lang ako ng tamang pagkakataon
Pagkakataong, limotin ang damdamin ko at tuluyan nang ibaon
Ibaon, para hindi na malito
Sa tama na mali, alin jan ang gagawin ko.
Letter O
ORAS na ba para itigil na
Itigil na ang damdamin, dahil mali na
Maling ibigan ka eh nagmamahal ka nang iba
Iba, na wala ako ni isang panama
Letter P
PERO pano?
Pano titigil kung sayo na umiikot ang mundo ko
Mundong pinangarap kong magkasama tayo
Magkasamang tatahakin kung ano ang nasa dull
Dulo, na sasabihin kong, YES FATHER, I DO.
LETTER Q
QUEEN ang itatawag mo sa akin
King naman sayo
O pede ring darling
Darling na aking mamahalin.
Letter R
RELATIONSHIP, 'yon na lang naman ang wala satin
At pwede ko na sabihing, ikaw ay akin
Pero, naalala kong, pwede mo lang siyang mahalin
Pero hindi pwedeng angkinin.
Letter S
SARAP namang putulan ng ugat 'yong puso ko Magmamahal na nga lang sa mali pang tao
Tapos, pag masasaktan, sisisihin 'Yong tao
Oy, friend, taas mo kasing mangarap, mas mataas pa sa height mo.
Letter T
TAMA na eh, tumigil na'ko
Pero bakit nong nahuli kitang nakatingin
Na-fall yung puso ko
Wala na namang sasalo, kundi ako.
Letter U
UGALI niyo na talagang magpa-asa
Paasahin ang damdamin ng iba
Porket gusto, inaabuso niyo na
Oy, loko gwapo ka?
Letter V
VERY saludo ka naman sa sarili mong
Ikaw lang ang magugustuhan ko
FYI, marami pang lalaki oh
Pero congrats pare,
Ikaw nga, ikaw pa rin pala,loko.
Letter W
WELL, hindi ko masisisi ang sarili ko
May sarili kasing utak ang puso ko
Hayaan na lang nating masaktan ito
Total, masasaktan ka rin lang, isagad mo na sa dulo.
Letter X
Hayaan na natin yang X
Wala na rin Yang halaga
Masaya na siya sa iba
Iistorbohin mo pa ba
Hayaan mong magloko ang gago
Mahahanap niya rin ang karma na para sa mga katulad niyang manloloko.
Letter Y
YOKO na , tama na
Tama na talaga
Bakit mo pa ipagpipilitan
Eh, siya nga walang pakielam.
Letter Z
ZIP your mouth, seat and relax
Dahil ngayon sisimulan ko na
Sisimulan ang pagbubura
Pagbubura sa mga alaala
Alaala, na hindi natin binuo
Pero wawasakin na
Wawasakin dahil hindi na kaya
Kaya, ang makita ang sariling umiibig sa isang taong
Hindi magiging sa kanya.






KYUTABLE:
WAHAHHAHA MGA KALALAB PLS VOTE AND COMMENT DOWN YOUR MASASABI SA POET KO WAHHAHA. GREEN MINDED MODE ON. WAHHHA LABYUU💕💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNTOLD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon