Love isn’t something that you need to find. Love is the one that will find you.
Naranasan mo na bang tumawa nang dahil sa pag-ibig? Eh ang umiyak dahil din dito? Eh kung sabay na iyak-tawa dahil sa pag-ibig? Marahil oo. Pero natry mo na bang sumigaw para humingi ng tulong habang inilalabas ang masamang timpla ng tiyan mo habang itetext mo ‘yung ka-meet up mo na baka ma-late ka sa 6 p.m na call time niyo sa meet-up place niyo and at the same time, itetext ang mga kaklase mo na na-kidnap ka at baka ma-delay ang pagpapasa mo ng school project mo kay Ma’am? Malamang hindi pa! Ang hirap kaya nun!
Sa kasalukuyang panahon, lahat ng tao ay may kakayahang magsulat, ngunit pili lamang ‘yung mga kayang gawing makatotohanan ang mga sinulat nila. Sila ‘yung mga taong ika nga’y naniniwala sa tunay na “Magic ng Pag-Ibig”. Ngunit hindi rin naman lahat ay pinapalad mahanap ang pure and sincere na pag-ibig sa kabila ng paniniwala nila rito.
Sa nobelang ito matutuklasan kung paano ka magiging crush ng crush mo, marahil muli kang maniwala sa magic ng tunay pag-ibig at maaring masabi mong ring “Mundo Mo Ay Akin”. Hindi ito ang tipikal na Bobo Ong book o kaya nama’y Ramon Bautista masterpiece na karaniwan ng mabibili sa inyong mga paboritong bookstores. Matutunghayan mo sa mga susunod na kabanata kung totoo pa ba ang true love o mas dapat mo nang unahin ang iyong pag-aaral at ang paggawa ng project mo kay Ma’am. Naglalaman ang bawat pahina nito ng mga eksenang pawang pupukaw sa isip, diwa at damdamin ng bawat taong makakabasa nito. Kaya kapit na at baka hindi mo kayanin ang mga susunod na tagpo. ;)
BINABASA MO ANG
Five Day Love Story Project
HumorIsang cliche. Puno ng kabaklaan. Mejo nakakatawa >:D -Unang storya ko po ito kaya kung may mapansin po kayong need ng revisions, sabihin niyo lang po T___T :D -