Sabi nila, lahat ng nagmamahal aminado na nasasaktan sila. Kaya eto namang si ako takot magmahal lalo na ang masaktan. Ever since pinanganak ako wala pang love life! Zero love life! The nerve diba? Hindi lang sa takot ako, wala naman kasing nagtatangkang manligaw. Sino ba namang magkakamaling manligaw sa itsura kong to? Di naman ako ako panget e. Di rin maganda. Kumbaga sakto lang. Charming nga raw sabi nila e pero sinasabi lang nila yun kasi 4'11 lang ang height ko. Pano kaya pag nagmahal na ako? Mamahalin rin kaya nya ako pabalik? Kyaaah! So excited! Yung tipong gigising ka tas hatid sundo ka na parang babalik ka sa pagiging kinder tas magdadate kayo and susubuan ka nya then pupunasan kalat sa bibig mo tas magkakatitigan kayo tapos unti-unting lalapit ang mukha nyo sa isa't isa at magki-ki----
“ Fuck it! Yung sinaing mo nga ayusin mo!! Bago ka magday dream! Kung gusto mong sunugin ang bagay umupa ka wag dito!!! You little chick!”
Shemay! Oo nga pala. May sinaing nga pala ako O_O! Dali-dali akong pumunta sa kusina para patayin ang kalan at baka masunog pa nga ang bahay. Wagas naman tong kapatid ko makasigaw! Kala mo mas matanda sakin e! Tirisin ko kaya to! Kung bakit kasi 5'8 na ang height nya e 16 years old palang naman. Pagkatapos kong ayusin ang sinaing ko, binantaan ko na agad si Tristan.
“ Oy Kuya? Tristan! Wag kang maingay! Sabihin mo kay mama kaya nasunog ang sinaing kasi marami akong ginagawa ha!”
Kailangan ko muna ng bantaan tong kapre na to! Kundi malalagot na ako kay mama nito. Kuya lang talaga tawag ko sa kanya kasi mas mukha syang matured sakin e. Pauso namin.
“ What!? Are u suggesting that I should lie to cover your stupid mistake? Wag mo kong turuang magsinungaling little chick!”
Grabeng bata to a. Maka stupid! Sasampigahin ko na tong hinayupak na to! Kailangan nyang magsinungaling para sa ikauunlad ng aking buhay! Ha? Any raw? Isip. Isip ng pam blackmail! Aha!
“ Sige ka! Isusumbong kita kay Kimmy! ”
“ What the!? You're unbelievable!”
“ Magdadahilan ka kay mama o magsusumbong ako? Pili na.”
Tinaas ko pa ng dalawang beses ang kilay ko para lalong mainis ang huklubang kapre nato!
“ Okay Fine! Leche kang bubwit ka! ”
“ Salamat Kapre! Wuuvyuuu! ”
Niyakap ko pa sya para mukhang sincere talaga. Haha! Panalooo ako. Hinayaan nya lang akong yakap yakapin sya. Ganyan naman talaga yan. Spoiled ako dyan di nga lang halata. Hihi! Si Tristan Aaron Riggs. Napaka sungit. Snober type kumbaga. Kaya ang lakas ng dating ng kulugo e. 16 lang yan. Pero dambuhala na. Heartthrob yan. Ewan ko ba naman kung bakit matangkad sya. Diba dapat pag panganay salo ang lahat. Pero baliktad ata ha. Kakagatin ko na sana si Tristan ng biglang...
*Kriiiinggg...Kriiinggg..
“ Bitiwan mo na ako. Sagutin mo na yung tawag at wag mong tangkaing kagatin ako kundi ibibitin kita patiwarik makikita mo.”
“ Hmmph! Sungit! Panget naman! ”
Pabalang kong sinagot ang tawag dahil sa naudlot kong pagkagat kay kapre. Paepal!
“ Hello! Sino to! Patawag-tawag pa e! Istorbo ka te! O kaya kuya! O kaya T-Bird o kay Vaklang hamp----
“ Chill! Lukaret! Agang aga badtrip! Si Macy to! New number ko! Mag prepare ka na! Aalis tayo magshoshopping tayo! Ligo na girl! Tomorrow is the day na kaya! ”
“ Yah I know. Tinatamad ako! ”
“ Oh my jelly beans! Let's go na! My treat! ”
Super tinatamad talaga ako at mas gusto ko pang makipag harutan kay Kapre maghapon kesa maggala. Kaso libre raw. Sino ba namang makakatanggi dyan. Haha!
BINABASA MO ANG
My Elementary Sweetheart
RandomSi Chelsey Therese Riggs ay dakilang NBSB. Dahilan nya? Ayaw nyang masaktan. In short, takot syang magmahal. Hindi lang ito ang pinoproblema nya kundi ang height nya. Sa edad na 17 ay tumataginting na nasa 4'11 lang ang height nya. Madalas mapagka m...