Chapter 2 : Meet Them

3 0 0
                                    

Dahil nga nabadtrip ako, nagpahinga muna ako sa Park na nasa loob ng subdivision na tinitirahan namin. Di ko na sinundan si Macy dahil pag ganito talaga mas gusto nyang mapag-isa. Umupo muna ako sa dulo ng slide at tiningnan ang mga taong naglalakad. Nakaka relax din kaya minsan mag people watching tas mapapatingin ka sa mga mandirigma down there. OMG! Erase! Erase! Si Macy kasi nahawaan na ako ng kabalustugan sa utak. Eksakto namang may nagtitinda ng dirty ice cream. Yummy! Naalala ko pa yung batang nanlibre sakin nito noon. Si Tata. Grade 1 na ako noon at sya naman ay di ko alam. Basta ang pagkakaalam ko mas bata sya sakin. Sa sobrang tagal na ng pangyayaring yun nakalimutan ko na ang itsura nya. Sabagay baka kung saan na yun napadpad.

Pagkabili ko, bumalik na ako sa kinauupuan ko. People watching again. Kakaiba rin tong park na to ha. Assorted people ang nakikita ko. May panget, jokeness! Haha, may mag best friend, family, mga bata at syempre mawawala ba naman ang mga dakilang talande! Mga nag-aaway at PDA (Public Display of Affection). Naku! Kung magiging mayor ako dito yan agad ang ipapagbawal ko! Habang ninanamnam ko ang pagkain ng ice cream...

" Arf! Arf! "

Aww.. Hindi yan tahol ng aso ha! Expression ko yan. Yung tipong nacu-cute-an ako sa puppy. Chowchow pa man din. Gusto ko ng ganto. Huhu!

"Chuzzle!"

Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses na yun and omaygassss! O_O bakit may gantong nilalang! Adonis?? Is dat u? Ay pag sa gwapings naman pala ng may-ari. Teka may ari din naman pala ako a. Ah! Yun! Tama! Owner na lang!

"Hoy! Don't stare at me! Don't you know that staring is rude! Chuzz! C'mon! Don't come near the trash!"

Pogi na sana e pero yung ugali! Nakaka stress ng pretty face ha! Ganto na ba talaga sa wattpad world? Lahat na lang ng pogi pa suplado tapos magkaka-inlove-an kami? Hell no!! Tapos makaka meet din ako ng good natured man tas ma iinlove sakin pero mas pipiliin ko yung suplado type! OMG! I can't take it over my dead but short body!!

" Hoy! Aba! Di porke cute.. Yung ano mo. I mean yung aso mo di ka na magsosorry! May pa staring staring is rude ka pa e mas makalyo pa ang mukha mo! I-rude-rude kita dyan sa damuhan na yan e! Kaloka to! Bayaran mo ang ice cream kong hinayupak ka! "

" Why should I? It's so cheap like you. Kaya mo namang bumili ng ganyan. What a stupid woman! No. Lemme rephrase it, stupid kid" sabay smirk sakin.

Putakte! Aba at tinalikuran ako sabay alis! Napaka walanghiya ng hinayupak!

" Hoy kung ako cheap ikaw pangit! Kasing pangit ng ugali mo! Tsaka di na ako bata! Abno ka ba!! Madapa ka sana! "

Itinaas nya lang ang kaliwang kamay nya at nag wave sakin patalikod habang hila-hila ang aso nya.

Bumili na lang ulit ako kay manong at dali-daling bumalik sa pwesto ko. Lalantakan ko na sana ulit yung ice cream ko ng malaglag ulit!

" Arf! Arf! "

Ano na naman to! Paulit-ulit! Sumosobra na tong hinayupak na to ha! Huminga muna ako ng malalim bago sigawan ang lalaking to.

" Ano ba! Nakakapikon ka na a! Di mo na nga binayaran ice cream ko kanina at di ka na rin nag sorry kulugo ka! Nagpapansin ka ba talaga ha! "

Sabay tingin ko ulit sa kanya O_O pero ibang nilalang ang nakita ko. Gwapings din ang isang to a. Nakakahiya naman nasigawan ko pa. Paepal din naman kasi Malay mo masama rin ang ugali diba? Mabuti na yung handa.

" Haha. Chill Miss. I'm sorry ha. Pasaway kasi talaga tong alaga ko. Seems like nangyari na to sayo a. "

What? Alaga raw? Hindi kaya yung down there ang tinutukoy nya? Ano na naman ba iniisip ko! Jusme! Pag si Macy talaga ang kasama nagiging polluted ang utak ko!

" Ah. Oo e. Ang sama pa ng ugali! " sabay nguso ko.

" Haha. Ganun ba? Tara libre na kita ng ice cream. "

" Anong libre? Baka bayad Mister!"

Tumawa lang sya at nagdire-diretso na kami kay manong. Bumili sya ng dalawa at binigay nya ang isa sakin. Sa swing na lang kami umupo kasi di naman kami kasya sa slide diba? Tsaka pag dun pa ako umupo baka malaglag na naman. Napagawi ang tingin ko sa kanya. Napatitig na pala ako sa kanya hindi dahil sadyang gwapo sya kundi...

" Bakit ka nakatitig sakin? May ice cream ba ako sa mukha? "

" Wa-wala naman. I wonder lang kung bakit ka nakain ng ganto e hindi naman bagay sayo. Mukha ng Rich kid ka e "

" Haha. Sanay na ako. Yung gf ko kasi e este ex-gf ko tinuruan ako."

" Ah. Kaya pala. Edi kumakain ka ng street foods like isaw ganon?"

"Yung kulot-kulot ba? Yung parang bulate? Tas nakatusok sa stick?"

" Kadiri ka naman! Haha! Pero yun na nga yun!"

" Oo naman! Favorite ko nga yun e. "

*Kriiiinggg... Kriiinggg...

" Wait lang ha. Oh hello ma? Opo. Sige po. Malapit lang ako. Pauwi na po ako. Sige po."

*Tooot.. Toot..

" Kailangan ko nang umuwi. So bye na? "

" Ah sige. Bye. Ingat ka?"

Ano ba yan! Ano Kaya ang pangalan nito? Nakakahiya namang nagtanong baka sabihin type ko sya!

" I'm Josh. And you are? "

" Chelsey. Nice meeting you Josh!"

" Same here! So friends? "

" Yah. Sure! Friends? "

We end our conversation with a shake hands.

*****

Pag-uwi ko sa bahay nadatnan ko si Mama na kumakain kasabay si Tristan.

" Hi Ma. Kanina pa po kayo?"

" Oo. Maupo ka na at kumain."

Napatingin naman ako kay Tristan na umiinom ng juice at nadako ang tingin nya sakin. Naramdaman siguro nya na may nakatingin sa kanya.

" No, Mama. Busog pa po ako. Salamat po!

" Okay. Sige. Nga pala bakit nasunog ang sinaing kanina? Nahirapan tuloy akong tagtagin ang tutong at uling ng kaldero. "

Alam kong tumingin si Tristan sakin dahil na rin siguro sa napag usapan namin na pagtakpan nya ako. Hindi ko na sya tinignan pabalik dahil medyo badtrip ako sa kanya.

" Kasi Ma, nagde-daydream ako kanina nakaligtaan ko na po kasi. Pasensya na po. "

"Ah. Ganun ba? Sige mukhang pagod ka, magpahinga ka muna. "

Tumango na lang ako. Pag-akyat ko, humilata na agad ako sa kama. Masyadong maraming nangyari. Una yung awayan slash tampuhan nina Tristan at Macy. Sunod si Mr. Rude at Mr. Nice sa park. Hay buhay para kang buhok sa ano.. Ah. Ano nga yun? Aish! Balahibong tago na nga lang!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Elementary SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon