Start
Dati hindi ako naniniwala na life is unfair pero nagbago yun. Lahat naman ay nagbabago, walang permante hangga't nasa mundo ka.
Kung dati lagi kong sinasabi ang katagang patas ang buhay, ang mga tao lang ang hindi, pero ngayon, sinasabi ko na lang ay walang patas sa mundo, lahat madaya.
Bakit nga ba nagbago ang pananaw ko?
Simple lang, simula ng mawala sa akin ang pinakamamahal ko lahat ng bagay tungkol sa pag-ibig na pinapaniwalaan ko'y hindi ko na pinapaniwalaan ngayon. Ngunit napakasama nga talaga ng tadhana, nilayo nya sakin ang lalaking mahal na mahal ko.
Ang masakit pa doon, akala ko patay na sya, akala ko wala ng pag-asang magkita pa ulit kami ngunit sinabi ko nga, masama talaga ang tadhana.
Nabuhay ako sa paniniwalang patay na pala ang mahal ko, pero ang totoo'y humihinga't buhay pa pala sya.
He has a temporary amnesia, sabi ng doctor hindi rin daw ito magtatagal, ngunit kailangan nya talaga ng mahabang panahon para alalahanin ang lahat.
Masakit, sobrang sakit.
Gusto kong tanungin ang mundo, bakit napakalupit nya sa mga taong nagmamahal lang?
Bakit parang galit sya sa mga taong nagmamahal?
Bakit yung mga taong walang ginawa kundi magmahal ay ang syang pinaparusahan nya?
Gusto kong kausapin si Maximo, kung bakit hindi nya ako maalala?
Sabi ng doctor, naalala nya lang daw ang mga masasayang alala't habang ang mga masasama't masasakit na alala'y nakakalimutan nya.
I want to help him.
Gusto ko syang tulungan na maalala lahat.
Pero mukhang ayaw nya naman ata.
"