Chapter 1 - First day of school

95 2 0
                                    

Kinuha kami ng tita namin galing province upang tumira at mag aral dito sa manila, bagong buhay nanaman.. namimiss ko na agad mga kaklase at kaibigan ko sa province..

-------------------+++---------------------

Natakot at nahiya ako dahil first day of school na late ako.
damn this traffic, nagmamadali agad kami ng Tita ko hanapin yung room ko at agad akong napayuko ng buksan ang pintuan

"You are late."

nagsorry kaagad ako, nararamdaman kong namula pisnge ko at

buti nalang may kilala naman ako sa school sya si Salya kapit-bahay ko nung summer nung una kong dating palang, galing province.

~Flash back ~

palagi sila nag lalaro sa labas habang ako naman dun sa labas nakatingin sakanila nakatunganga
may isang lalaki nag aya saakin sumali sa laro

Pangalan nya raw ay Josh, pogi din siya cute din, at pumayag ako at tumayo. ayun nagkilala-kilala muna kami bago kami naglaro at dun ko na kilala si Salya sinabi nya sakin sa St. Dominic, Inc daw sya mag aaral kaya sinabi ko sa tita ko dun nalang kami mag-aral, kasi nag hahanap naman si tita ng school, binigyan ko lang naman ng suggestion yung tita ko,kaya ayun dun kami pina-aral..

~End of flashback

Nakita ko si Salya sa dulong dulo, sa tabi nya sana ako uupo pero pinigilan ako ng teacher at sinabi dun ako sakabilang dulo, tinawanan nila ako pero hinayaan ko nalang.

umupo na ako at nakatabi ko ay lalake sa harapan ko naman ay babae sa likod ko si at babae din, pinahiram nya saakin notebook nya kasi di ko makita yung sinusulat sa board, kailangan ko na ata mag-pasalamin.

kala ko may sakit siya o sadyang racist lang talaga ako nung time na yun, at yung katabi kong lalake yung una kong kinausap.

Inintroduce ni ma'am sarili nya at pangalan nya ay Holly Avietes, pag tapos ay pinagpartner kami lahat, kung sino katabi namin yun ang partner namin kaya ayun,

sinabi ni ma'am ang gagawin namin, alamin lahat tungkol sa partner namin agad naman ako kumuha ng papel at tatanongin ko na sana ng bigla akong dinapuan ng nahiya kaya napabulong ako "lol."

Sinabi nya agad saakin "Ako nga pala si Jose Andres Juan Arvin" sabi ko naman ng pa utal "a-ah.. a-ako Angela b-bohol Agnus.."

Bigla siyang tumawa ng marinig nya middle name ko, kaya naglakas loob nako at tinanong yung Age, Location, at Cellphone number (joke lang).

kami pinauna ng teacher namin kasi A last name namin eh, andaya ng world.

tumayo agad kami at pumunta sa harap,
Nauutal pako sa hiya.. sobrang hina ng boses ko pwet ko lang ata nakakarinig.

Pero okay na yon, ginawa ko na part ko.
pag tapos si Jose naman, nagmamadali at nauutal din, mahina pero narinig ko naman syempre di ako bingi eh.

Tinanong ni ma'am ano yung likes at dislike namin, sabi nya "marami po ma'am basta marami, opo nalang bastaa po."
 
Napatawa sila ma'am at pinaupo na kami tapos nun ay iba na ang sumunod at nagpakilala kagaya ng ginawa namin pero yung first day na yun si Jose palang nakakausap ko.

How I met my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon