Mayroon NAT ang mga grade 7, yung bestfriend ni Jessica na pangalan ay terissa ay nasa likod ko, pero di ko napansin kasi hindi pa kami close nun. at sinabi nya saakin nainis daw sya saakin nun sabi ko "bakit naman" sabi nya "ang puti mo kasi!" grabi ganun ba talaga ako kaputi pati yun bigdeal?? pero naalala ko bigla yung unang araw nagkita kami ni terissa kasama ang magandang babae na crush ko
~Flash Back~
Isang araw lumapit sila dalawa saakin, sabi ng magandang babae "hii, ikaw si Alexandra diba?" Sabi ko naman agad "opo" sabi nya kay trizha sabay binatukan, "oh diba sabi ko sayo e!" Pero alam ko na ginawa nya lang yun para makausap ako. :>
Ganon ako minsan eh, Oo inaamin ko ginagawa ko yun dati. Pagtapos ay nagpaalam na sila sabay ngumiti yung dalawa, kinilig ako ng sobra as in sobra pa sa sobra pati si Rose sinapak ko na sa kakilig.
Isang araw chinat ko si Terissa nya, well technically di ko siya chinat, natawa kasi ako sa day nya ewan ko bakit pero nakalagay "Strong Is Beautiful -SG" natawa talaga ako nun nagreply ako "haha" tapos sabi nya "hehe" o deba para kaming tanga
Kaya inunahan ko siya sinabi ko nalang "hi nga pala!" Reply nya naman saakin "kilala mo si Jordan diba?" sabi ko "opo hahah" yung magandang babae na crush ko.. :>> sinabi ko nalang din sakanya "inutusan ka po ba ni Jessica na Ilapit mo saakin si Jordan?" Sabi sya "hindi noooo, sya lang gusto nya lang" sabi ko "weh?" Sabi nya "oo nga sabi nya pa nga 'tara lapit tayo kay Alexandra mamaya'" akala ko kasi inutusan ni Jessica si Jordan nako nakakahiya yun, kaya sabi ko kay Jessica, "jes langya ka! akaala ko ba inutusan mo si Terissa ilapit si jordan saakin??" sabi nya "joke lang di ka mabiro!" jusq mabatukan ko na tong babaeng to, paasa din e. pero masaya ako na kinausap ako ni Jordan ughh.
Tapos nun palagi na kami nagchat ni terissa, at puro ako jordan at sya naman puro john, heartrub ng school.
Halos lahat ng section may crush sakanya, bat ako hindi? Magkatabi panaman kami swerte ko nu?
Isipin mo lahat ng section may crush sakanya tapos ako na mismong katabi nya wala, haix i'm officially a lesbian shiet..
Tapos gabi gabi na kami nag chachat ni terissa, dahil pangumaga naman siya at panghapon ako wala kaming oras sa umaga o hapon kaya sa gabi nalang..

BINABASA MO ANG
How I met my crush
Short Story"Eto yung panahon na ang tanga ko, eto din yung panahon na nakilala ko ang crush ko." Isang babae nilipat sa manila para magaral ng may nakita siyang magandang babae, at nalaman nya na school mate nya ito, maging kaibigan kaya sila o higit pa? basah...