'The organization of life begins from the simplest level then proceeds to the most complex. It has its chemical and biological basis. Following its chemical basis, it begins with the tiny particle called atom.'First subject, Integral Science.
Pero ang nadala ko ay yung Biology book na pang-sophomore at kasalukuyan ko itong binubuklat. How great, advance study kunwari pero mismong subject ngayon di ko pa naaaral.
Sa science siyempre hindi mawawala ang mga activity kaya bababa ang klase namin sa ground floor at pupunta sa laboratory. Nalalapit 'yon sa classroom ng First year section of St. Columban at sa Guidance office.
"Class, settle down. Please, so that we can now go to the laboratory. Okay? Behave," sambit ng aming Adviser at Subject Teacher rin para sa klaseng ito. Naka-salamin si Ma'am at may jolly-personality na medyo may pagka-strict, base yon sa obserbasyon ko.
Siyempre dahil ako lang naman ang pinaka-matangkad sa klase kaya natural lamang na ako ang nasa hulihan ng pila. What's new?
Tahimik akong pumila at lumingon sa harap. Naka-lingon pala sa banda ko at banda ng ilan pang kaibigan si Divina. Nagsipag-senyas naman ang mga newly acquired friends ko na kami nalang ang magkakagrupo. Mind you, I got a lot of them even how silent I am as a person.
"Pst, Augusta! Tayo na agad nila Isaiah ang magkakagrupo ha." Pasimpleng senyas samin ni Divina na isa sa 'bagong' kaibigan ko sa eskwela kaya tumango nalang kami.
'Bagong kaibigan' dahil mula sa eskwelahan ko nung Elementarya ay dalawa lamang sa mga batchmates ko roon ang pumasok rin sa school na 'to. Si Isaiah na isa sa close-friend ko na talaga since Grade 3 at si Mae na naging ka-close ko dahil kasama siya sa Athletics noong elementary pa kami pero nasa kabilang section ito.
Sa isang public highschool dapat mag-aaral si Isaiah sa karatig bayan. Ngunit gaya ng ibang kabataan, sabihin nalang natin na kung mahinhin ako mas lalo na si Isaiah pero nagbago siya magmula ang first year highschool. Peer factor? Family issues? I don't know pero mabuti na lang at inilipat siya agad sa school ko at binigyan ako ng permiso ng kanyang Ina na gabayan at tulungan siya sa mga oras na 'yon.
Pinaka-ayoko sa lahat ay 'yong sinasaktan ng isang tao ang kanyang sarili kahit gaano ka pa durog at kalungkot, wag na wag mong sasaktan ang sarili mo. Umiyak ka, sumigaw ka pero wag mong sasaktan ang sarili mo.
Ang sakit makita noon na yung kaibigan mo, kakikitaan mo ng hiwa sa papulsuhan at may salita pang naka-ukit sa porcelana niyang balat. Pero masaya akong isa ako sa dahilan kung bakit siya nagbalik sa dati.
"Augusta, ikaw na ang mag-lock ng door natin." At iniabot ni Ma'am sa akin iyong susi at pinaayos sa hagdan ang pila ng pasaway na klase namin.
"Alright, Ma'am."
Naglakad pababa sa hagdanan na may barandilyang may desinyong pawang foliage-entricate details.
May mangilan-ngilang estudyante kaming nakasalubong at mukhang mga sophomore students. Iba kasi ang kulay ng ID lace nila kaya malalaman kaagad.
"Magandang umaga po, Ma'am Montero." Tuwang pagbati ng mga ito sa Guro namin. Mukhang last year ay Advisory class ni Ma'am ang mga ito dahil masayang ngumiti at bumati pabalik ito sa kanila.
Magagandang mga ate iyong nakasalubong namin. Dahil ako nga yung nasa hulihan ng pila, kasabay ko si Ma'am kaya pati ako nadamay sa ngitiang naganap. Mukhang 'yung dalawa sa sophomores ay may lahing Arabo. May kakaiba kasi akong napansin sa mata nila. Well, why do I even care about that.
Ang mga maliliit na bagay daw na hindi natin napapansin ay ang mga bagay na may malaking impact sa atin.
Expect the unexpected, paano kaya yon? Edi hindi na 'yon counted as unexpected kasi ineexpect mo, di ba? Joke!

YOU ARE READING
The Lost February
ChickLitTo celebrate the Art's Month, ito ako at maghahandog ng unedited at abstract na kwento. Abstract kasi wala naman 'tong kwenta at di maiintindihan kaya tinatawag ko sa bokabularyo na 'Abstract' ito. Pero naniniwala pa rin ako na, ART IS ART no matter...