1 - New Friend

8 4 0
                                    

Rhein's POV

Andito ako ngayon sa kwarto, di gaano kalaki yung room ko, di kasing laki ng kwarto ni ate xara.
Maliit lang at simple, sakto lang naman para sakin
May study table may mini bookshelf may kama na di kalakihan, At may maliit na aparador sakto lang para sa mga gamit ko... Ganun lang

Para na ngang pang katulong ang kwarto ko---
No! Pang katulong talaga!

Itong kwarto na toh ay dating kwarto ng nanny ko
Pero nag resign na dahil may katandaan na at may sakit, naawa nga ako e, kasi pilit lang si nanny mag trabaho kahit may sakit, Kaya at the end cinonvince ko si nanny na magresign and mag focus sa recovery nya.

Si nanny ang nagalaga sakin simula nung bata pa kami ni ate xara, she's like a real mother to me than my biological mother

"Hoy! Rhein!!? Buksan mo toh!" Agad akong napatayo ng marinig ko ang malakas na kalampag sa labas ng kwarto ko

"Ate Xara? Bakit po?" Tanong ko ng makita ko si ate xara na nakatayo at naka pameywang sa harapan ko. May dala syang damit
"Duhh!! Uutusan lang kita, lab'han mo 'tong dress ko at aattend ako sa party tomorrow, Hahaha!" utos nito at hinagis sakin ang dress na pula niya, agad akong tumungo at sinunod ang utos ni ate xara

Bakitt ako pa? May iba pa namang katulong diba? sigh

Gusto ko pa naman magbasa, pero wala e inutusan ako. Pababa na ako ng hagdan ng may inihabol siyang salita na nagpalaglag balikat ko

"And ow! Ayoko ng gagamit ka ng laundry machine! Mag kamay ka o palo-palo! Hahaha!" sabi nito sabay tawa ng parang kontrabidang tawa at saka pumasok sa kwarto niya at padabog isinarado ang pinto.

Well di ko sya masisisi if gagamit ako laundry machine, masisira yung dress lalo na may design sya. Nasa likod bahay ako kung saan may gripo naman, dito nag lalaba ang mga katulong eh. sigh

Lumipas ang ilang minuto at hindi ko alam kung naka ilang buntong-hininga nako, dahil sa pagod ata ito and di pa pala ako nakakakain!

Nag sasampay na 'ko ng dress ni ate xara nang masampay na ay tinitigan ko ito. Kelan kaya ako makakasuot ng ganto kagandang dress?

"Hoy Rhein!!! Bilisan mo at may iu-utos pa ako!! Wag ka kukupad-kupad!!" Sigw ulit ni ate xara

"Eto naa!!" Agad kong niligpit ang pinaglabhan ko at saka natungo kung saan si ate xara

"Ang bagal mo! Kanina pa ako nag aantay! San ka ba kasi pumapadpad pa?" Inis na sabi niya
"N-Nagligpit lng po ng pinaglabaha---"
"Pinapakain ka dito! Pinapatira tapos ang kupad-kupad mo!" Putol nito sa sasabihin ko at sinesermonan na naman ako

Lagi naman e, onting salita ko parang mali na sa pandinig nya

"Ay nako! Nakakastress ka, wag mo ng uulitin yun kung ayaw mong palayasin kita!" Banta niya
"Sorry ate xara" nakatungong sabi ko
"Idontcare! Bumili ka ng mga pagkain! Ubos na stock sa fridge, Oh listahan ng bibilhin mo at eto 1500 pesos pag may nasukli sayo na! Kawawa ka kase! Hahahaha!" Utos nito
"Ok ate xara, salamat" ani ko, inirapan nya na lang ako at umalis.

Di na ako umangal pa, girl, may sukli 'to sayang yung pera, kinuha ko ang bag kung saan paglalagyan ko ng mga food stock, at umalis na ko sa bahay para pumuntang mall.



...

I'm at Suvillian Market right now, ito lang pinaka malapit na grocery store sa village namin. Pakuha sana ako ng basket ng may kumuha rin nito na babae, kaya binitawan ko, binitawan niya rin naman

"Sorry po" paumanhin ko
"Hala Sorry rin, sige ikaw na po ate ang kumuha" naka ngiting sabi niya

Ang ganda niya para siyang angel, lalo na pag ngumiti, singkit mata, bilugang mukha, matangos ilong, cherry pouty lips, sexy, kasing tangkad ko, ang ganda niya talaga!

"Uh? ate ok ka lang?" Di ko namalayan na nagsasalita pala siya, napatulala ako ang ganda nya talaga!
"Huh? A-Ay sorry po ang ganda nyo po kasi eh" nahihiyang sabi ko, kita ko naman na medyo namula yung pisngi nito

"Hala di naman po hihi salamat po! By the way I'm Seffia!" Pakilala niya at inabot kamay niya
"I'm Rhein" pakilala ko rin at inabot ang kamay niya

"Hi Rhein! Nice to meet you! Can we be friends?" Masiglang sabi niya, masaya akong tumango
"Nice to meet you too! Y-Yes we can be friends"

"Yeeeey!!" Masayang sabi niya, natawa ako sa kinikilos niya para siyang bata
"Tara! Mamili na tayo ng sabay hihi!" sabi niya kaya tumango na 'ko bilang tugon, no choice eh, ang friendly ni Seffia, nakakahiya namang tumangi

"Sooo~" pambasag niya sa katahimikan, naglalakad na kasi kami nagtingin-tingin ng mga products sa shelfs
"So?" Tanong ko
"Ilang taon kana ate rhein?" Masiglang tanong niya
"Ahh 19 Hehe" nahihiyang sabi ko, ang awkward masabihan ng ate, hindi ako sanay.

"OMG same age tayooo! yiieee" Masiglang sabi niya, natawa naman ako sa expression nya

Ang daldal niya, daldal lang siya nang daldal at ako naman 'tong si tawa dahil sa mga kinikilos niya. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigang katulad niya..

Dito..

Dito sa lugar na 'to

May kaibigan naman ako dati, kaso 'di ko na siya nakita nung lumipat sila ng bahay sa Australia, lumipat naman kami ng lugar, at 'yon yung time na wala na daddy ko... Haaaiisst miss ko na siya

"Hey rhein! Are you okay?" Nagulat ako ng tapikin ako ni seffia
"Ha? Ahh oo hehe" 'di ko napansin na natulala na pala ako
"Wehhh? Di halata. Ang lungkot ng mukha mo" ani niya, at chinicheck pa kung okay lang talaga ako, natawa naman ako

"Hala! Hindi hindi! Ok lang talaga seffia. May naalala lang ako, sorry" paumanhin ko sabay ngiti
"Ok lang!" Nakangiting sabi niya

"May sinasabi ka ba kanina?? Sorry di ko talaga narinig" tanong ko dito, she tilted her head.
"Nakalimutan ko naaaa! Sorry I have short term memory, I tend to forgot thing so easily, alalahanin ko later" nakapalumbaba n'yang sabi, inaalala yung sinabi nya, natawa naman ako. We have a lot in common to be honest.


..
Lumipas ang ilang oras ng pag kukwentuhan habang namimili, at ngayon nag pacheck na kami sa counter, After mabigay yung resibo, ay umalis na kami agad

"Bye bye rhein see you again sa Maxwells University!" Paalam ni seffia at kumaway
"Babye rin! See you too! Ingat ka seffia!" Sabi ko
"Ikaw rin!" Sabi niya at umalis na siya

Oo same kami ng university na papasukan, tinanong nya kanina habang bumibili kami ng de latang ulam kung saan ba ako nag-aaral. Anyway, nang di ko na makita si Seffia umuwi na rin ako. Anong oras na pala!



Humugot muna ako ng lakas ng loob. Ready na ko para sa sermon. Pagka-bukas ko ng pintuan, si ate Xara talaga unang bumungad sa harapan ko.

"Oh! Buti dumating ka pa? Kala ko tinakbo mo na pera ko! Bakit ba ang tagal mo! Halos 3 hours ka sa mall! Pa special ka! Lumalandi ka siguro no, kaya ang tagal mo umuwi?" Sermon nito sakin tila nag r-rap kung makasalita, umiling naman ako.

"H-Hindi po ako lumandi.. M-Mahirap po kasing hanapin yung ibang stock" paliwanag ko sa kaniya.
Totoo naman talaga na napatagal ako kasi di ko mahanap yung ibang bibilhin, tsaka ang saya kasama ni seffia e, di ko namalayan yung oras.

"Tsk bilisan mo diyan ilagay mo sa lalagyan yang mga yan at mag luto! Go!!" Sabi nito sakin at tinuloy nya panonood ng k-drama

Kaya agad akong sumunod, mahirap na, baka 'di pa ako makakain. Maaga niya pa lang dinismiss yung mga katulong, kaya no choice ako at magasikaso.

That Girl [On Going]Where stories live. Discover now