"BEFORE you leave the room, I'll do the roll call," saad ng kanilang homeroom adviser na si Mrs. Sarmento sa hapong iyon. Ganoon ito ka-weird. Nasa huli ang roll call. Siguro ay dahil sa may ilan silang mga classmates na tumatakas bago uwian kaya 'di bale nang may mga late comers sa klase nito. Inihuhulog lang ng mga kaklase niya nang sekreto sa labas ng salaming bintana ang bag tapos magpapaalam lang na magsi-CR pero hindi na babalik.
Napasandal ang dise-siyete anyos na dalagitang si Kara sa kanyang upuan. Nakatingin siya sa kanilang matabang adviser na may salamin sa mata. Halos puputok na ang katabaan nito sa suot na unipormeng beige na blusang may halos hanggang siko ang manggas at may butones sa harap at dalawang bulsa sa baba. Pinaresan yaon ng brown pencil skirt na hanggang tuhod at may dalawang pulgadang slit sa gitna sa likod niyon.
Bahagya siyang napasulyap sa mga kaklase na ipinasok ang mga kuwaderno o kaya ay libro, ballpen, at papel sa kani-kanyang bag. Siya naman ay kasasara lang ng kanyang knapsack.
Pagtingin pa niya sa kanyang armchair ay may nakita siyang mabangong stationary na nakatupi na biglang nandoon na lang. Hindi niya napuna kung sino ang sekretong naglagay niyon doon.
Matalim niyang tiningnan ang kanyang seatmate na si Sun Woo na nakaupo sa kanang bahagi niya. He was tall and well-built for his age. He was known all over the campus and other schools because of his athletic skills, brains, and good looks. Maraming babaeng nagka-crush sa half-breed na ito. Sa katunayan nga ay ito palagi ang class' Prince Charming at class president nila mula noong junior years. Palagi pa silang magkaklase nito sa Section 1 at magkakompetensya sa first rank. He was the perfect package if she would think about it. But she just hated him for always being there to make her day hell.
Dahil magkalapit ang kanilang apelyido ng lalaki ay magkatabi nga sila. Mahilig sa alphabetical order sa pag-arrange ng seats ang adviser nilang ito. Kahit assignments o projects nila ay gino-grupo sila ayon sa mga pangalan nila. Kaya hindi sila magkatabi ng BFF niyang si Sol. A pity indeed.
Hindi niya alintana ang kanilang adviser na tinatawag nang alphabetical order ang kani-kanilang pangalan sa klase.
"Diente, Soledad," tawag nito.
"Present, Ma'am," ang tugon ng kaklase niya at best friend. May lampas-balikat itong buhok na pinakulayan ng dark brown, medyo bilugan ang mukha, cat-like eyes, maarkong kilay na natural lang, matangos ang ilong, at tisay. Kasing-tangkad niya ito na five feet and four inches.
Napansin ni Kara na ngumisi si Sun Woo. Siguro ay dahil sa napansin niya ang nakatuping papel. Inis niyang kinuha ito habang sumenyas itong basahin niya. Pero sa halip na buksan iyon at basahin ay pinunit niya ito nang ilang beses at pinandilatan pa ang lalaki habang ginagawa iyon. Baka kung ano pa ang sinasabi nito roon. Ayaw niyang makita o malaman iyon. Lalo lang siguro siyang ha-high-blood-in kung sakali.
She knew him very well and he was up to no good when it comes to her.
"Hameria, Kara Lyle," tawag ni Mrs. Sarmento sa kanya. Dalawang beses siyang tinawag nito bago siya nakapagsalita.
"Present po, Ma'am." Itinaas pa niya ang kanyang kamay na nakakuyom dahil nandoon ang pinagpipirasong papel. Napailing tuloy ang kanilang guro. Kasalanan kasi iyon ni Sun Woo. Hindi niya agad narinig ang pagtawag ng adviser.
"Han, Sun Woo," ang tawag naman nito sa lalaki.
"Present, Ma'am!" malakas pang sabi nito.
Tinapik ito sa balikat ng mga kabarkadang sina Chris, Matt, at Jim na nakapalibot dito ang mga upuan. Nagtawanan pa ang mga ito nang mahina na halatang tinutukso si Sun Woo. Samantalang nagpatuloy pang nag-roll call ang guro hanggang sa matapos iyon. Tumayo na siya kaagad at isinukbit ang backpack. Nakailang hakbang na siya nang pigilan ng lalaki ang kanyang bag.
BINABASA MO ANG
Wanna Be Your Oppa - Published under Lifebooks
RomanceHigh school pa sila ay paborito na si Kara na i-bully ni Sun Woo. She hates him for it! Lumalaban naman siya sa lalaki sa kahit na anong paraan na kaya niya. Sun Woo changes from a playful rich boy into a serious young businessman after being away f...