Chapter 2

522 9 0
                                    

VALENTINE'S Day. Excited ang mga estudyante sa school nila dahil half day lang ang klase, sa umaga lang. Merong St. Valentine Program after lunch kung saan magtitipon-tipon ang lahat sa malaking auditorium ng kanilang school. Magkakaroon ng poetry and craft contests at Valentine Treasure Hunt and Battleship activities mula junior hanggang senior years. Maglalaban-laban ang bawat year na binubuo ng lima kada team.

Sa craft ay maaaring ipamalas ang kahit na anumang gawa ng estudyante na naaayon din sa iba't ibang kategorya katulad ng baking or cooking, drawing, sketching, or painting, origami, handicraft, at iba pa. Samantalang sa Valentine Treasure Hunt and Battleship activities ay kasama na ang paghahanap ng "treasure" habang naglalaban-laban ang mga teams sa pag-accomplish ng challenges at pagbuo ng ilang puzzles by level hanggang sa matunton ang kanilang hinahanap. Siyempre, ang sinumang unang makahanap niyon ang siyang panalo. Ang premyo ay weekend beach outing o simpleng pizza party while having a movie marathon sa audio visual room on a weekday at walang klase, depende sa pipiliin ng mananalo.

Ginagawa ito ng taga-admin ng school upang magkaroon ng rapport at magka-bonding ang lahat lalo na ang magkapare-pareho ng year. Isang paraan upang magkaroon at matuto ng team building ang mga estudyante.

"Ibinigay na ng Principal natin ang listahan ng magre-represent kada year para sa Valentine Treasure Hunt and Battleship activities. For the senior year, these students have been chosen as they never participated in any Valentine activity in the previous years," pahayag ni Mrs. Sarmento bago magtatapos ng kanilang klase sa umagang yaon. "So, pagkatapos kong tawagin ang mga pangalan n'yo, you can meet up after lunch and plan, if you need to. You know the drill, though. May leader, may sweeper, may risk taker, may defender a.k.a. Knight, at may moderator slash Muse." Ini-emphasize pa nito ang huling dalawa. "Kayo na ang bahalang mag-assign sa mga sarili ninyo, Han, Hameria, Diente, Graciano, at isasali sa grupo ninyo si Rainier Lopez ng Section 2."

Napasapo ng kanyang ulo si Kara dahil dito. Hindi niya inasahan na mapipili siya sa taong ito. In the previous years, ang iba nilang mga kaklase din naman ang naging representatives ayon sa kagustuhan ng Principal. Ngunit hindi sila sumali sa ibang contests at mas minabuting observer-audience lang.

"As for the other contests, it's still the same as before. It's open for everyone who wants to join. May points kayo. The number of students that wants to join won't matter dahil individual ito. Ipakita n'yo lang ang inyong galing. Everyone, make me proud!" Mrs. Sarmento smirked. Afterward, she did the roll call and went out.

"Paano ba 'yan, BFF?" ani Sol. Lumapit ito kay Kara sa kanyang kinauupuan.

"No choice. Kasali ka pati nga si Chris, eh," aniyang napasulyap sa grupo ni Sun Woo na nasa may exit door ng kanilang silid.

Tumayo na siya pagkasara ng backpack para magpunta sa cafeteria at kumain na sila. Humarang si Chris sa pinto, kasama sina Jim at Matt.

"Paalisin mo nga 'yang mga tuta mo sa harap namin, Han Sun Woo," matabang na anang dalaga sa lalaki. Binigyan niya ito ng isang masamang tingin.

"Let's have lunch together," deklara ng lalaki.

Tumaas papuntang hairline niya ang kilay. Napakuros naman ng mga braso si Sol.

"Masusuka ako kapag kasama kang kumain. Let's not eat together. Please lang. Kailangan ko pa naman ng energy para mamaya," taray ni Kara.

Itinabig na ni Sol sina Jim at Matt at sumunod na si Kara sa kaibigan. Wala nang nagawa ang grupo ni Sun Woo. Napasunod na lang ng tingin ang mga ito sa dalawang babaeng umalis.

MATALIM ang tingin ni Sun Woo kay Rainier. Dinig niya ay palagi itong nangunguna sa Section 2. Kilala ito dahil nasa varsity ng basketball team. Matangkad at hindi rin hamak na may hitsura. Hindi naman siya binabae pero aminado siyang guwapo rin ang isang iyon. Pero siyempre mas guwapo naman siya! Hindi niya lang talaga gusto ang pagkatitig nito kay Kara habang nag-assign na sila ng roles sa grupo para sa activities mamaya sa Valentine Treasure Hunt and Battleship.

Wanna Be Your Oppa - Published under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon