"Class dismiss" pahayag ng aking guro. Katatapos lang ng Filipino subject namin ngayon at math na ang kasunod.
Isinuot ko na ang aking bag at handa ng umalis ng school ng biglang hilahin ng kaklase ko ang bag ko.
"Saan ka na naman pupunta?" tanong ng kaklase ko habang hila hila ako pabalik.
"aalis na, bakit?"
"May klase pa tayo sa math diba? tapos aalis ka na agad"
Kahit kailan talaga epal to pabulong kong sabi na mukha namang narinig niya.
"narinig kita"
"ah ah ah ang sakit ng tiyan ko" nakahawak ako sa aking tiyan at nagkunwaring masakit ito.
"alam ko na yang paandar mo na yan ha di mo na ako maloloko"
"ito naman parang wala tayong pinagsamahan pagbigyan mo na ako" sinasabi ko ito sa kanya habang naka akbay na para kaming matalik na magkaibigan pinisil ko pa ang pisnge niya.
Kumalas na ako sa aking pagkaka akbay sa kanya at magsasalita pa sana siya ng bigla na akong kumaripas ng takbo, naririnig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko kaya naman lumingon ako pabalik.
"paki sabi na lang na masakit ang tiyan ko ha, thank you MY BEST FRIEND YOU'RE THE BEST" sinasabi ko ito ng pasigaw sa kanya
"hindi kita best friend" sigaw niya pabalik
"Don't deny me men best friend kaya kita hahahaha pag tatakas ako"
"Gago ka talaga wag mo lang akong idamay pag nahuli ka"
"yes boss"
Natatawa na lang talaga ako sa pinag gagagawa ko hindi naman talaga kami mag best friend hahaha best friend ko lang siya pag tatakas ako.
palagi din naman akong pinagtatakpan eh sinusulit ko na tsaka siya lang kinakausap ko sa room yung mga babae kasi ang aarte yung mga lalake naman ang yayabang pinagtitiyagaan ko na lang talaga yun siya lang matinong kausap ih epal nga lang hahaha
Finally nakalabas na ako ng gate nakatakas na sa math. Sa lahat ng subject math talaga yung pinaka ayaw ko mahina ako dun ih inaaral ko naman pero parang ayaw yata ng math na inaaral ko siya isabay pang napaka sungit ng teacher sa math palagi pang galit sakin, kung buntis siguro yun napaglihian na ako, baka menopose na?
Kahapon napagalitan ako malay ko ba namang ididivide pala akala ko plus lang di naman kasi niya nilinaw pagtuturo niya ang hina pa ng boses di naman langgam tinuturuan niya. Actually may assignment kami ngayon wala akong sagot kaya tatakas na lang ako bahala na bukas pag pasok ko sa kanya.
Poproblemahin ko pa siya eh may problema pa ako ngayon, hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Makauwe na lang kaya? Hindi pwede nandun na asawa ni papa baka magsumbong na naman yun na nagcutting class ako sulsulera pa naman yun di naman maganda.
Alam ko na may malapit nga palang lawa sa may subdivision namin dun na lang makatambay susubukan ko na ding sagutan yung assignment ko.
Nakarating na ako sa may lawa at agad na hinubad ang bag na suot ko umupo na rin ako sa damuhan.
"Ang sarap ng simoy ng hangin" dinadama ko ang mabangong hangin habang tanaw ang malawak na lawa kinuha ko na rin sa bag ang math notebook ko para magsagot.
"Ano ba naman to kanina pa ako dito hindi ko pa din maintindihan masakit na din ang batok ko ayoko na nga"
Padabog kong nilagay sa bag ang notebook at kinuha ang pinaka malapit na bato sa tabi ko at ipinaltok sa lawa.
"Math bakit ang hirap mong intindihin? Makisama ka naman please, para kang stepmom ko alam mo ba yun? Pareho ko kasing ayaw sa inyo" sigaw ko na parang maririnig ako ng math hahaha nasisiraan na yata ako.
Ilang saglit pa nakarinig ako ng tunog ng gitara nagpalinga linga ako sa paligid at natagpuan ang tunog sa may puno ng narra.
Teka nasaan yung natugtog? Pagtataka ko ng makitang wala naman tao sa may puno.
Baka nasa likod gumilid ako ng konti para masilip kung sinong nasa likod ng puno.
Tama ako nasa likod nga napatitig na lang ako sa kanya habang nakikinig sa pagtugtog niya, ilang oras din akong nanatili sa ganong posisyon.
Ang galing niya bulong ko sa aking sarili hindi ko rin maipagkakaila ang magandang hulma ng kanyang mukha matangos na ilong, mapupulang labi at mapupungay na mata ang seryoso din ng mukha niya pero maaliwalas at kalmado.
Naputol ang pagpapantasya ko sa kanyang mukha ng tumigil ang musika mula sa gitara niya, aalis na yata siya.
Hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya.
"Teka lang, kuya saglit" sigaw ko habang palapit sa kanya.
"Amaris" habang naglalakad palapit sa kanya ay narinig kong may tumatawag sa pangalan ko.
"Amaris" muling sabi ng tumatawag sa akin.
Nagising na lang ako dahil sa pagtawag ng pangalan ko. Nawala na tuloy ang panaginop ko.
"Sumama ka pa samin tutulugan mo lang pala kami"sabi ni alyanna
"Sorry, hindi kasi nakatulog kagabi may tinapos akong project" paliwanag ko sa kanya
"Siya mag ayos ka na ng sarili mo at uuwi na tayo malapit ng mag gabi"
"Sorry talaga babawi ako next time" pacute ko itong sinabinsa kanila.
"Okay lang mukha ngang pagod na pagod ka ih magpahinga ka na lang pag-uwe una na kami ha bye" paalam niya.
Ako na lang ang naiwan dahil may dadaanan pa ako. Habang naglalakad ay naisip ko ang aking panaginip.
Sino kaya yung lalaki? Sayang naman nakalimutan ko yung mukha niya ang galing pa naman niyang mag gitara. Si alyanna naman kasi ginising agad ako nawala tuloy. Pero parang totoo yung nasa panaginip ko, parang narinig ko na yung kanta, parang tunay.
Amaris umayos ka nga imposible namang tunay yun wala ka namang step mo kakanood mo yan ng kdrama e, Ouch ah aray Nakahawak ako sa sintido ko dahil sumakit bigla ang ulo ko.
Hays Sumasakit na naman tuloy ang ulo ko dahil sa pag-iisip kalimutan ko na nga lang, panaginip lang yun ih.
Panaginip lang pero bakit nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko? Bakit nanghihinayang akong hindi ko nalapitan yung lalake?
Bakit parang gusto ko siyang makilala?
YOU ARE READING
Let's Get Lost Into The Moon
Ficción GeneralAmaris, a soul adrift in a world of concrete and chaos, finds solace under the moon's tranquil glow. Her nightly walks lead her to a chance encounter with a man whose enigmatic presence stirs something deep within her. As their connection deepens, t...