IT’S BEEN months since she parted ways with him. At sa loob ng mga buwan na iyon, walang natanggap na kahit na anong update si Mary Grace mula kay Keith. Even his family. Parang umiwas ang mga ito sa kanila ni Kei.Kahit gan’on, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pangako nitong babalik ito para mabuo ang pamilya nila. Lagi siyang nagsusulat sa journal na binigay nito. May first picture na din doon ng first ultrasound niya. But the baby’s gender isn’t known yet. She’s still hoping that Keith will be with her if that happens.
Sa tingin niya, kaya na niyang tanggapin ang lahat ng nangyari. Mas nangingibabaw pa rin talaga ang pagmamahal niya kay Keith kesa sa galit niya. Yes, marupok siya, she’s well aware of that.
Simula nang magbukas na ang pasukan, inabala niya ang sarili sa pag- aalaga sa anak niya. Medyo halata na rin ang umbok ng tiyan niya.
Kahit sa anak nila, hindi nagpaparamdam si Keith. Alam na din ng mama at mga kapatid niya ang totoong nangyari sa kanila ni Keith.
Nag- early out siya sa trabaho nang hapong ‘yon at dumeretso sa isang Milk Tea Shop. Hinahanap ng sikmura niya ang milk tea. Tama namang may pa-live acoustic band ang Shop dahil good mood daw ang may- ari.
Habang nagbabayad sa counter, nakikinig siya sa kumakanta.
‘We had the right love at the wrong time’
Pamilyar sa kanya ang boses na iyon kaya napalingon siya sa maliit na stage. Nakatalikod kasi siya dahil nagbabayad pa siya. And her hunch was right. Si Melodia nga iyon. Ito rin ang nagi- gitara.
‘Guess I always knew inside
I wouldn’t have you for a long time’Pero mas pamilyar yata sa kanya ang lyrics? Why is that? Napatulala tuloy siya sa entablado.
‘..And if they’re calling you away
I have no right to make you stay.’Alam niya ang kanta pero bakit ngayon lang yata niya naiintindihan ang lyrics. At bakit masakit?
‘And somewhere down the road
Our roads are gonna cross again
It doesn’t really matter when
But somewhere down the road
I know that heart of yours will come to see
That you belong…with me’“Ganda ng boses niya nuh?” Anang kahera kaya napalingon ulit siya doon. “Kaibigan ko ‘yan.” Pagmamalaki nito iniabot ang order niya.
“Oo. Ang ganda nga ng boses niya.” Muli siyang napalingon kay Melodia.
Nakakalma talaga ang boses nito. Pero ang kanta, nakakasakit.
‘Sometimes goodbyes are not forever
It doesn’t matter if you’re gone
I still believe in us together
I understand, more than you think I can
You have to go out on your own
So you can find your way back home’Napasimangot siya sa narinig. Aray. Bakit ba nang- aano ang kantang ‘to. Di ko naman siya inaano.
Nakita siya ni Melodia kaya saglit itong kumaway sa kanya habang patuloy sa pagkanta.
“Magkakilala din kayo?” Tanong ulit ng kahera.
Tipid siyang ngumiti dito. “Yeah. Kliyente ko siya.”
Mabilis itong lumabas mula sa harap ng counter at tumabi sa kanya.
Maganda ito, pero may kaliitan. Maputi din ito at bagsak ang may kahabaang buhok. Pero wala itong name plate tulad ng ibang empleyado, apron lang.
“I’m Shynne.” Pagpapakilala nito sabay lahad ng palad sa kanya. “Friend din ako ni Melodia. Magkalapit ang condo unit namin dati.”
Tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito. “Mary Grace.” Naalala niya ang sinabi ni Melodia nang banggitin nito ang condo unit. “So kilala mo din ba si Jarine? Kalapit na condo unit daw ni Melodia ‘yon eh.”
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)
RomanceSPG WARNING/Rated-18 Motto: You're branded as mine.