MAAGANG GUMISING si Keith para pumasok sa opisina niya. Bago dumeretso sa opisina, dumaan siya sa nakabukas na na flower shop at bumili ng bouquet. Dumaan siya sa bahay ng mga magulang ni Mary Grace at agad na iniwan ang bouquet sa hood ng kotse nito na nakaparada sa labas ng gate. Dumaan din siya sa printing press at ipinasuyo na ilagay ang isa pang bouquet sa opisina nito bago siya pumasok sa opisina niya.Pagdating sa opisina niya, tinext muna niya ang mga anak na sina Kei at Kein. Nami- miss niya ang mga ito. Ipinagpapasalamat niya na marunong ng magbasa si Kein. Matatalinong mga bata ang mga anak niya.
Sana di nila mamana ang kapalpakan ko. Tsk.
PAGLABAS NI Mary Grace sa gate, agad niyang nakita ang bouquet na nasa hood ng kotse niya. Kinuha niya iyon at binasa ang card.
‘Good morning. Have a nice day. -Keith’
“May admirer ka, Nay?”
Napaigtad siya sa boses ni Kei na nasa likuran pala niya. Sasama daw kasi ito sa office.
“Galing sa tatay mo ‘to.” Sagot niya na parang naiinis. Galit pa din siya kay Keith.
“Huwag padadala sa mga bulaklak. Huwag kang marupok.” Anang papa niya na kalalabas lang ng gate.
Tipid siyang ngumiti. “Yes, Pa. Alis na po kami.” Sumakay na sila ng anak sa kotse.
Pagdating sa opisina, may isang bouquet ulit sa mesa niya at agad niyang tiningnan ang card.
‘I miss you already…’ -Keith
Pagak siyang tumawa. Nabubwisit siya. Sino’ng hindi? Kung ginawa kang kabit ng lalaking mahal mo? Tiwalang-tiwala ka pa sa lahat ng sinasabi niya, niloloko ka na pala. At dahil hindi mo alam ang totoo, niloloko ka na pala, eh tuwang-tuwa at kilig na kilig ka pa. Nakakatanga, di ba?
Buong araw niyang inabala ang sarili sa mga office works habang si Kei, nasa sofa lang doon sa office niya. Abala sa cellphone.
“Ma’am, dito na po ang kliyente niyo.” Imporma sa kanya ng sekretarya niya.
“Papasukin mo.”
Agad nitong pinapasok ang kliyente niya.
“Ms. Lopez, right?” Magiliw na tanong niya nang makapasok ito.
“Yes.” Nakangiting sagot nito at nakipagkamay sa kanya. “Melodia Lopez. Melodia na lang, masyadong pormal ang Ms. Lopez.”
Kahit nagsasalita lang, maganda ang boses nito. Nakalugay ang wavy nitong buhok na lagpas sa balikat. She’s wearing an eye glass, bumagay iyon sa hugis ng mukha nito kaya lalo itong gumanda.
“I’m Mary Grace. Nice to meet you.” Magiliw din na aniya. “Maupo ka.”
“Thank you. Dito ako ni- rekomenda ni Beshy. Well, ni Jarine.” Umupo na ito sa visitor’s chair. “Nakikita na talaga kita sa pictures doon sa condo niya. Magkalapit lang dati ang unit namin.” Pagkukwento nito.
Napangiti siya. Na-miss niya bigla ang kaibigan niya. Pero masyado yata itong busy sa buhay.
Napabaling ito kay Kei na naka-ngiti.
“She’s Kei. My daughter.” Pagpapakilala niya.
“Hello po friend ni tita Pretty! Pretty din po kayo.” Magiliw na bati ng anak niya.
“Thank you. Nice to meet you.” Natatawang sagot ni Melodia saka bumaling sa kanya. “Your daughter has good speaking voice. Kumakanta ba siya?” Tanong nito. Iba din talaga kapag voice teacher, iba ang napapansin.
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)
RomanceSPG WARNING/Rated-18 Motto: You're branded as mine.