Prologue

360 15 2
                                    

"Daddy, why did mommy leave us?"

Natigilan si Isandro sa pagtitimpla ng gatas ng anak. Kasalukuyan silang nasa kusinang mag-ama nang biglang magtanong ang bata. Slowly, he put down the glass of milk and faced her daughter. Sa tuwing tinititigan niya ang anak ay ang mommy nito ang nakikita niya. They look so much alike though his family and friends tell him otherwise. Siya daw ang kamukhang-kamukha ng anak. Girl version daw kumbaga.

"My princess, 'di ba I already told you why?"

Sumimangot ito sa sagot niya. His 6-year-old daughter is asking a lot of questions these past few days. Mostly, tungkol sa mommy nito. And boy, he doesn't know what to answer!

"Well daddy, I still don't get why eh."

Napailing na lang siya at pinagpatuloy sa paghahalo ng gatas nito. Pagkatapos ay inabot ang baso sa anak.

"Drink it up. After that, we'll go straight to your room. It's time for bed little girl."

Sinunod naman nito ang utos niya kahit mukhang hindi ito satisfied sa naging takbo ng usapan nila. Makalipas ang sandali ay nasa loob na sila ng bathroom nito at nagtu-toothbrush na.

"So if Mom's not coming back, why don't you get a girlfriend Dad?"

Tanong nito pagkatapos magmumog. Again, he's surprised by her inquisitiveness this evening. Saan nanggaling ang mga tanong nito?

"Luna, I have one remember? Your Tita Vanessa?" Kahit na hindi naman niya talagang tinuturing na seryosong relasyon ang mayroon sila ng babae.

"Well, I don't like her." She answered matter-of-factly as she climbed up her bed.

"And why is that?" Tanong niya habang inaayos ang kumot nito.

"I just don't Daddy. So please find another one?"

He was up the whole night thinking about the request of her little girl. Siya? Maghahanap ng girlfriend? As in girlfriend  na pu-pwedeng maging nanay ng anak niya?

Mas gugustuhin pa niyang magpalapa sa leon kesa naman sa maging seryoso sa relasyon.

Siya? Si Isandro Pio Odalis makikipagsapalaran sa pag-ibig? Ulit?

No way!

Kuntento na siya sa kung anong meron siya ngayon: Occasional bed partners and his darling little angel he loves so much.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon