Chapter 59... Final Chapter before Epilogue

9.4K 104 1
                                    

Ito na. Sorry mtagal na naman tong na on hold. Hay naku talaga ako oh.

but I wanna say thank you first to this person. hihi

gulat ako kasi lahat ng chapter ni like niya salamat ahhh.

kaya dedicated sayo..

*******************************************************************************************
*

"ako ang may gawa nun. Hihi. Galing ko noh? Tsk ang tanga niyo talaga. Ako lahat may gawa nun. Hihi. Bobo. Tanga"

"huk"

"sshhh" hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Ganito ba talaga kasuklam si ate Runny? Hindi ko alam na hahantong sya sa ganito.

"tahan na please, Hon?" kanina pa din ako ni Blake inaalo.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng hospital napagdesisyunan kong bisitahin si ate Runny. Hindi para awayin o sumbatan sya. Gusto ko lang malaman kung bakit ganun ang kinahinatnan ng lahat? Bakit gusto niyang manakit na lang? Bakit ayaw niyang pag-usapan namin ng maayos? Oo madaling sabihin pero lahat naman nadadaan sa usapan at paliwanag hindi ba?

"ang talino ko, di niyo naisip yun? Hahaha!!"

Nang makiusap ako kay Blake na dalawin si Ate Runny hindi siya nagdalawang isip pa. Ngunit  nagulat na lamang ako na hindi ako sa presinto dinala. Kundi sa tahanan ng mga taong wala sa kanilang sarili. Mga nakaranas ng sobrang sakit kaya nakalimot. Mga taong kailangan mong unawain. Mga taong kailangan mong tanggapin. Kung anuman iyang iniisip ninyo, marahil ay tama kayo. Oo nasa isang mental hospital si Ate Ranny. Hindi na sinabi ng asawa ko kung kailan nag-umpisa pero  hindi ko na aalamin pa.

"ang bobo kasi ng Winona na iyon hindi ka pa tinuluyan. Aanga anga pa yung lalaking nangharang. Nagpadala sa takot. Tanga lang? Hihihi"

"ate Runny sorry. Alam kong sobrang nasasaktan ka. Sorry po. Hindi ko alam huk"

"sssh. Hon you dont need to say sorry. Ako dapat. Halika na"

"Blake sandali na lang ha?" tumango lang sya

"Ate Runny. Masakit man pero mawawala rin iyan. Ako. Pede mo akong ituring na kapatid. Parehas lang tayong dalawa. Wala na din ang parents ko. P-pero kahit ganun man. May mga tao pa ring handang magmahal sa akin. Kaya sigurado ako. Ikaw din marami diyan sa paligid"

"love never exi..ehst"pakanta pang sabi ni ate Runny. "It will never exist for you an...d me...ooh ooh.. You'll be hurt yeah. I assure you that ahahaha" pabulong niyang sinabi ang huling linya pero nakakatakot. Parang may pagbabanta. Nakakaiyak. Nakakaawa. Hindi ko alam kung magiging okay sya. Walang kasiguraduhan.

"halika na hon" inakay na ako ni Blake pa tayo. Habang paalis, hindi ko maiwasang mapalingon kay ate Ranny na sinusundan rin ako ng tingin. And shes smiling, smiling like something wrong will happen. Pero ayokong magpadala sa takot, all I need to do is to pray and trust Him, I know he will guide us. Nilingon ko ulit si ate Ranny nakangisi lang syang tumingin sa akin pagkatapos ay inalalayan na sya ng nurse papunta sa kanyang silid.

Buong byahe akong tahimik, nakatingin lang ako ng diretso iniisip si ate Ranny.

"Hon wag ka na malungkot. She chose to be like that. We can do nothing about it" Tiningnan ko si Blake he looks so at peace. Para na syang nabunutan ng tinik. Maybe he's right. Might be it can help her to ease the pain? I'm not really sure, kasi kung iisipin paulit ulit nyang sinasabi ang lahat ng mga nangyari. Ang hirap, siguro ang magagawa ko na lang ay ang pagtulong sa recovery niya. I'll make her feel that we love her no matter what.

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon