Prologue:

3 0 0
                                    

(Anica's P.O.V)

"Oh girl? Ano na? Kala ko mag papartehh tayo mamaya?" Tanong saakin ni Clarissa

Kasalukuyan akong nakahiga at nakatingin sa kisame na animoy wala sa sarili.

"Hoy shokla! Yuhuu isama mo naman ako diyan na iniisip mo! Kanina pa ako nagsasalita dito di mo naman ako pinapansin!" Naasar na sabi ni Clarissa

"Ang ingay mo!"

"Eh kung namamansin ka ba naman diyan edi sana di ako nagbubunganga ngayon! Bakit ano ba problema?" Saad niya

"Wala naman, iniisip ko lang kung kamusta na kaya siya? Kung nasaan kaya siya? Anong ginagawa niya ngayon? Kung di ba kame naghiwalay ano na kaya kame ngayon? Siguro.... magpapakasal na kame. Haha. Si kupido naman kase eh! Papana na nga lang ung temporary arrow pa hindi na ginawang lifetime." At tuluyan ng umagos ang masaganang luha sa mata ko.

Yinakap naman ako ni Clarissa para patahanin ako.

"Shh, sabi ko naman sayo eh tigilan mo nang kakaisip sa lalaking iyon. Bata ka pa, magmahal ka ulit. Naku, mabuti pa i-inom nalang natin yan" sabi ni Clarissa

"Nakita ko siya sa tv kanina, nakauwi na siya ng bansa..... at ikakasal na." Nakangiti akong mapait habang sinasabi iyon sa kanya.

Tinignan niya ako na para bang awang awa siya saakin at hindi na alam ang sasabihin pa. Tumingin lang siya saakin at niyakap ako, kaya mas lalong akong napahagulhol.

Siguro nga masaya na siya. Siguro nga may mahal na siyang iba. Siguro nga wala na akong babalikan pa.

Bye love..., salamat sa alaala ah, salamat sa lahat, salamat sa pagpapakilig, salamat sa pagmamahal mo, salamat sa matatamis mong ngiti, salamat dahil kahit isang beses naging akin ka. Siguro eto na ung panahon na kailangan ko nang pakawalan ka. Siguro eto na time para makalimot na. Siguro eto na ung sign para makahanap na ng iba. Ang unfair naman kase ng mundo eh bat pakase nagrorotate at nag rerevolution ung earth, yan tuloy nagmahal tayo sa maling time at sa maling panahon. Alam mo sana, sana may masulat ulit na kwento tapos sa kwentong un nandun ulit tayo, tapos tayo na ung nagkatuluyan, tapos hindi na ako mangangarap na sana ako naman, na sana tayo nalang ulit, na sana hindi na ako masasaktan, na sana dun na tayo magmamahalan ng walang katapusan.

Sa susunod nalang siguro love, sa next love story na lang...




🙈🙉🙈🙉🙈🙉🙈🙉🙈
Sorry for the typos and wrong grammar kung meron po.

"The last Love song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon