Chapter 1

2 0 0
                                    

(Anica's P.O.V)

Hmmmmmmm haaaa!
Anica kaya mo ito! Ito na yung dream mo oh?! Nasa maynila kana!

Naglalakad ako ngayon sa maynila habang manghang manghang nakatingin sa mga city lights, galing kase akong Bicol at pumunta ako dito sa maynila para magaral ng kolehiyo sa UP. (University of Paden)

Maya maya lang ay pumara na ako ng jeep para makapunta sa eskwelahan, gumagabi na rin kase at duon ako tutuloy dahil nagdodorm ako.

Pagkarating ko dito ay makikita mo talaga ang pagkamangha sa aking mukha, ang laki laki ng eskwelahan na ito parang aabutin ka ng isang araw pag nilibot mo ito.

Dumeretso na ako sa dorm ko para makapagpahinga dahil simula umaga ay kanina pa ako pagala gala. Aakyat na sana ako sa hagdan kaso may biglang bumundol saakin kaya naupo ako sa sahig.

"Sorry."At tumakbo na ulit ung lalaki.

So yun na yun? Ganun ganun nalang di man lang ako tinulungan? Tsk. Nakapa-ungentleman na talaga ng mga lalake ngayon. Nek nek mo Anica buti ngat nagsorry pa un eh.

Room 126, room 127, room 128 at aha! Room 129 sa wakas nahanap din kita! Ngayon ko lang naramdaman yung pagod tsaka sakit ng katawan ng buong maghapon na paglilibot na may daladalang bagahe.

Paano ba naman kase sa sobrang excited ko ay nakalimutan kong ibaba muna ung mga bag ko sa dorm kaya eto hirap na hirap ako ngayon.

*knock

*knock

Maya maya ay may nagbukas ng pinto, pagkaharap nito saakin ay talaga namang natulala ako... matitibo yata ako neto eh, ang ganda niya shemay.

"Hello, ikaw ba ung room mate ko?" Tanong niya saakin kaya natauhan ako

"Ahh oo hehe" shete talaga ang ganda niya 😍

"Tara pasok ka muna, andami pa naman ng dala mo paniguro pagod kana." Saad niya

"Ako nga pala si Andrea.. Andrea Cortez" ngiting pagpapakilala nito saakin

"Hi Andrea ako naman si Anica Abalos, nice to meet you! Ganda ganda mo!" Masayang sabi ko sakanya

"Haha oo na lang, pero ikaw din naman ah? Napakaamo kaya ng mukha m-" - Andrea

"Ops ops ops tama na baka magbolahan na tayo dito" biro ko sakanya

"Ikaw kaya nagsimula! Haha! Tara tulungan kita buhatin yang dala dala mo sa kwarto mo" - Andrea

Hindi na ako umangal pa dahil talaga namang ang sakit na ng braso ko sa bigat.

"Salamat Andrea, magpapahinga muna ako pagod na pagod na ako eh" sabi ko

"Ay sige sige by the way bukas pala magising ka ng maaga sabay na tayong pumunta sa ceremony 7:00 am sa field, sige goodnight" - Andrea

Pagkapasok ko sa kwarto ay nilagay ko na lang muna sa gilid yung mga gamit ko, bukas ko na aayusin nakakatamad sa sobrang pagod.

Ginawa ko muna ang mga ritwal ko bago matulog at nagsuot lang sando na manipis at underwear dahil dito na din naman ako nasanay mas nakakatulog ako ng maayos.

Pagkahiga ko sa kama ay walang pang limang minuto ay tuluyan nang nagsara ang talukap ng mga mata ko.

Zzzzzz 😴.

•••Kinabukasan•••

*beep
*beep
*beep
*beep

Nu bayan?! Ang ingay naman nun?! Sino ba un?! Ah! Si alarm clock pala....

(👁_👁) ..... 6:30??

What?! 🙈

6:31.....🙉

Oh my gosh! 🙊

Malalate na ako!!!!

Mas mabilis pa sa alas kwatro ung kilos ko ngayon. Napasarap kase tulog ko eh yan tuloy nagmamadali ako.

Whooo! Pagkatapos ng 20 minutes ay tapos na ako ay dali dali akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Andrea na naghihintay saakin sa sala. Waw may sala pala kame? Di ko lang siguro napansin kagabi.

"Oh andiyan kana pala tara na" saad niya

"Sorry ah? Nalate ako ng gising" paghingi ko ng tawad

"Naku ok lang alam ko namang pagod ka kagabi" nakangiti niyang sabi saakin

Pansin ko lang ah? Lagi siyang nakangiti hindi ba siya nangangalay? Anyway bagay naman sakanya, tsaka pantay naman at maputi ang ngipin niya like super pantay!

Pagkarating namin sa field ay madami nang students at damo, oo damo..... may damo dun sa gilid tapos dinisanayn din nila ung stage unting damo tapos may damo din sa lalakaran tapos madami pang damo.

Nasabi ko na bang andaming damo??

Umupo na kame ni Andrea sa bandang likuran dahil dito narin naman ang may bakanteng upuan so no choice kame.

Maya maya pa ay may dumating na ang mga guro or students? Kase mukha silang estudyante pero naka pang teacher na outfit eh.

Naglakad naman ang isang babae papunta sa mic na nasa gitna. I think siya ung dean dito.

"GOODMORNING PADENIANS!!!!" Nakangiting sigaw niya

"GOODMORNING HEAD!!!" Sigaw naman pabalik ng mga studyante

Ako "goodmorning" lang, di ko naman alam na head pala tawag sakanya dito eh hehe.

"Hahahaha sa new students diyan na bago haha head na lang itawag niyo saakin sa mga old students naman.... wala lang, sige na—" paalis na sana stage si head ng hinabol siya ng isang guro.

Dali dali naman itong pumunta sa gitna ulit.

"Oh yeah! Sorry before I forget—" head

"You already forgot!!" Sabi sakanya ng isang studyante

Kaya nagtawanan naman kame, haha hanep dean ba talaga to?

"Hehe sorna, so I was saying uhm meron pala tayong gaganapin na acquaintance party sa friday and nandun ung Crowns and the theme will be formal so ngayon palang bumili na kayo ng mga night gowns niyo and tuxedo!! Haha good day everyone, you may now go back to ur dorms" masayang sabi ng head

Pagkatapos yun sabihin ni head ay mas lalo namang umingay ang studyante sa field. Mapalalaki man o babae, halatang excited sa acquaintance party at mas lalong umingay nung na pagusapan nila ung Crowns? Crowns ata? Ewan.

"Anicaaaa tara punta tayo sa mall, bili na tayo ng dress" excited na sabi ni Andrea

"Huh? Diba bawal lumabas kung di emergency pagkatapos ng ceremony??" Natatakang tanong ko sakanya

"Haha oo nga, may sarili namang mall etong UP eh" natatawang saad niya

"Oh?! Weh?! Bat di ko un alam?!" Eh kase naman school may mall? Hanep!

"Hahaha ang cute mo talaga, now u know" sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko

"Aww mashaket nu huhu" ayaw ko pa namang ginagalaw ang pisngi ko pero dahil crush kita Andrea oks lang yan

Ooops..

Hehe secret lang to ah pero lalaki parin siyempre gusto ko.

🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶
Short

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"The last Love song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon