Chapter 1: Rylai Myst

4.2K 78 6
                                    

=RYLAI's POV=

"Tumabi kayo andito na siya!" E ano ngayon?

"Oo nga. Tabi kayo." Tch.

"Napaka old-fashioned niya talaga." Paki mo?

"Manang na manang ang dating." Ikaw? Prostitute.

"Jeans tsaka loose-shirt? So baduy!" Atleast may damit.

"Like ew?" Mas ew pa mukha mo.

Pagpasok ko pa lang ng campus sinalubong agad ako ng mga haters ko. Weird but I love the feeling. Tsaka wala na rin naman silang magagawa upang mabago ako. My fashion style? Plain jeans and baggy tees. Dito ako komportable eh. My hair? Always in a messy pony tail. Katamad mag-suklay eh. Tsaka pinagbibigyan ko lang din sila, minsan lang naman nila akong makita sa school eh. Bakit ko nasabing minsan?

 (A/N: Si Rylai po ang nasa multimedia :) Yung pic po sa right side ng screen niyo. )

"Rylaaaaaaaaiii!!!!" She's Kaye Fiore. Ang kaisa-isang bestfriend ko.

"Hi." Tipid kong sagot.

"Nag-review ka ba kagabi? Wag mo sabihing hindi?!" Ah. Periodical exams nga pala ngayon. Nag-review ba ako kagabi?

"Hindi."

"Ha?! Hindi ka na nga nag-aattend ng classes tas hindi ka pa nag-review?! Nakuuuu!" Ala-tambutso niyang satsat.

"Okay." And with that nagsimula ulit akong maglakad patungo sa room namin.

"ANONG OKAY?! HOY RYLAI! BUMALIK KA DITOOOOOO!!!" Hahabulin sana ako ni Kaye nang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang exams. Saved by the bell. Phew.

Eul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon