Chapter 3: Wyrm World

957 41 2
                                    

=RYLAI's POV=

Dinala ako ni Kaye at ni Sheena sa isang pamilyar na lugar...Isa itong hill. Huh? Bakit parang napanaginipan ko na ang lugar na toh?

Akala ko aakyat kami...

Ngunit napansin kong ngumiti si Kaye at Sheena sa isang mala - pader na parte ng hill na nababalutan ng mga vines. Namangha ako nang gumalaw ng kusa ang vine at bumukas ang pader sa harap ko. Ganitong ganito iyong nangyari sa panaginip ko...

Matapos bumukas yung pader... Heto kami ngayon at naglalakad sa isang madilim na ala-lagusan na daan. Akala ko sa anime lang nangyayari ito. Pero ngayon, masasabi kong pwede na rin akong maniwala na totoo ang life after death. Bukod sa sparkly dust na nanggagaling sa pakpak ni Sheena, may nakikita pa akong liwanag sa di-kalayuan. Eto na ata yun... Ang Wyrm World....

~~~~~~~~~

Unti-unti kong in-adjust ang aking paningin sa paligid. Laking gulat (WITHIN.) ko sa aking nakita. Sa bunganga ng mala-kwebang lagusan ay isang cliff. Nasa tuktok kami ng falls. Liningon ko ang dalawa. Nakangiting parang na-eexcite.

"Kaye? Magpapakamatay ka na ba?" Nag - aalala kong tanong kay Kaye. Tumingin naman ako sa direksyon ni Sheena naghihintay ng maaaring maidagdag niya sa baliw na desisyon ni Kaye ngunit nakangiti lang siya.

"Bakit ba tayo andi---- aaaaaaaaaaaaah."

Eul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon