His Decision

10 0 0
                                        

Yannie's POV

Now I know that this desicion will change my life forever. I'm doing this for my family's future and mine also. Sana hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko, sana matanggap ako ni Rain bilang asawa and I hope this marriage would work.

So nandito ulit ako sa university dahil meron kaming quiz sa physics 1 ngayon.

"Yannie tara punta tayo sa library mag aral tayo para sa quiz siguradong mahirap na naman yun." Gab. Sabay kasi kami pumasok kanina dahil wala syang sundo kaya dinaanan ko pa sya sa bahay nila.

"Sige tara na nga hindi ako makapag concentrate dito gym. Wala din ako matutunan." Ako na ang naunang nagpunta sa library dahil may dadaanan si Gab sa Office mayaasikasuhin lang daw sandali.

Habang naglalakad ako papuntang library nakita ko si Rain na nakaupo dun sa dulo katabi ng mga bookshelf. Ayoko sya puntahan, gusto kong iwasan na pag usapan tungkol dun sa arranged marriage namin.

Naghanap na ako ng pwesto at nagsimul na akong mag aral kahit wala pa si Gab. Maya-maya dumating na din si Gab na dala ang daming papel. "O para saan yan bakit ang dami mong dalang papel?" Nakabusangot yung muka nya haha nakakatuwa sya ^______^.

"Kasi naman yung Prof. natin sa History half day lang daw sya ngayon kaya ako na daw bahala mag proof read nitong mga essay na ginawa natin" -_______- Gab.

"Hahaha sige halika tutulungan na kita dyan tignan mo muka mo o lukot na lukot" Ako

Nakita ko na pumasok si Raven sa library at umupo sa tabi ko "Nag-aaral din ba kayo para sa quiz mamaya? Pwede bang makisali?" Raven

"Sige Rave sali ka din tsaka tulungan mo na kami ni Yannie tapusin icheck itong mga essay na to" Gab.

Nakakatuwa palang kasama tong si Raven ang saya nyang kasama. Ang hilig nyang magbiro ang ingay tuloy namin dito sa library. Imbes na mag aral kami sa quiz para mamaya nag tawanan na lng kami dito. Ang sama na nga ng tingin saamin nung librarian.

Naramdaman kong biglang may humila sakin mula sa upuan ko. Nakita kong nagulat sila Gab at Rave. Pagtingin ko si Rain na galit na galit ang itsura ang humila sakin. Dinala nya ako sa may garden sa labas kaming dalawa lang dito kasi hindi kilala ang lugar na ito.

"Hindi pa nga tayo kinakasal nakikipag landian kana kagad sa kung sino sinong lalake!" Rain. Ang sama naman nang sinabi nya parang sinasabi nya na malandi ako at kung kani kanino ako pumapatol.

"Hindi naman ako nakikipag landian eh nagkakatuwaan lang naman kami tsaka hindi ako malandi ha!" Sya ang unang tao na nag sabing malandi ako.

"Kailangan natin mag usap" Rain. Mag-usap? Hindi pa ba kami nag uusap ngayon? "Sige tara na mag usap na tayo ngayon"

"Hindi pwede ngayon mamaya pagkatapos ng mga klase mo aantayin kita sa Gate 1. Subukan mo wag magpakita makakatikim ka ng parusa sakin." Rain pagkatapos nya sabihin yun umalis na lang sya.

So ayun pagbalik ko sa library wala na si Raven may klase pa daw sya sabi ni Gab at ayun tinanong ako ni Gab kung ano daw ginawa sakin ni Rain sabi ko naman nag usap lang kami. Alam na ni Gab yung tungkol sa sitwasyon namin ni Rain at dinadamayan nya naman ako sa problema ko ngayon.

Naging masaya naman ang buong araw ko napaka entertaining ng mga lessons namin dahil sa mga professors ang galing mag turo hindi ka mabobored kaya masaya dito sa DMU! enroll na ^___^ hahaha joke nag endorse.

Palabas na ako ngayon dito sa room namin pupuntahan ko na si Rain sa Gate 1. Malayo pa lang kita ko na may kaguluhan banda doon sa Gate 1 at alam ko na kung sino yun.

Syempre si Rain sino pa ba ang gwapo sa campus na to? diba si Rain sino pa ba ang sikat dito? diba sya rin. Hay nako sa dami ng fangirls nya pano pa kaya kung malaman nila na ikakasal na kami ano na kaya ang manyayari sakin?

"Hoy Rain!" Ako yan hindi ako makasingit sa mga tao kay sinigaw ko n pangalan nya. Napatingin naman sakin si Rain at naglakad na papunta sakin. Grabe! ang sama nang tingin sakin ng mga babae parang kala mo aso na nakakita ng pusa.

"Tara na" Rain. Sumakay na kami ng taxi at pumunta sa park. Maraming mga bata na naglalaro doon meron din na nagtitinda ng fishball at ice cream may mga maliliit na stalls din. Umupo kami sa bench inaantay ko sya magsalita pero parang wala ata mag salita itong lalaking to.

"Uhm ano tara pag usapan na natin yang sinasabi mo" Ano ba talaga ang ipinunta namin dito mag sight seeing?. "In less than a month ikakasal ka na sakin. Dadalhin mo na ang apilyidong Reed" Rain. Alam ko na yun diba nga pumayag na ako kahit labag sa kalooban ko pero bakit pa nya sinasabi sakin to?

"Pumapayag na ako. It's not what I want I was just forced into this like you" Rain. Parehas pala kami ng nararamdaman parang naawa din ako kay Rain ng konti "Gumawa tayo ng kasunduan na kapag naikasal na tayo na walang pakielamanan sa isa't isa. Sa loob nang campus walang pansinan, At ayokong babuyin mo ang aking aplyido galing ako sa isang mataas na pamilya hindi pwedeng madungisan ang pangalan ko"

Wow ha grabe naman yung mga kondisyon nya ok lang sakin yung walang pakielamanan at pansinan eh pero yung pinaalalahanan ako na wag babuyin yung pangalan nya grabe naman yun. Ano tingin nya sakin na sisirain ko ang pangalan nya grabe nmn tsaka galing din ako sa mataas na pamilya no nagkataon lang na kinailangan namin ang tulong nila.

"Sige pumapayag na ako sa gusto mo sana ay matapos na lahat ng problemang ito" Hindi ba sila naawa samin kailangan ba talaga kami pahirapan ng ganito?

Pagkatapos ng pag uusap namin ay inuwi na nya ako sa bahay at umalis na din sya pagkatapos. Sa pagpayag ni Rain sa kasunduan na to ibig sabihin ba noon tanggap na nya ako? ^____^ sana ganun nga ang nararamdaman nya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Si raven yung nasa pic

A/N: Hello kumusta readers for almost 1 year na ako hindi nag uupdate pasensya na dahil tinatamad talaga ako hehehe joke busy talaga ako dahil ang daming exam at nakakalimutan ko na din ito anyway I'm back na kaya try ko mag update weekly thanks! ^____^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon