"Tinulongan na nga sya pa ang galit"

5 0 0
                                    

"Mga walanghiya kayo, hindi nyo manlang nagagawang linisin ang mga kalat dito sa pamamahay ko. At tandaan nyo magkakatapusan na naman, hindi manlang nakakaisip ang mga magulang nyo na magbayad sa upa sa bahay, tubig at kuryente." Ayan na naman ang mala mashinggan na bibig ni Aling Tonya. Ang matandang matabang babae na may ari ng bahay.

Mukhang kakailanganin ko na naman ng magandang mapagkikitaan ngayon.

Ilang taon na akong nangungupahan dito kay Aling Tonya. Kaya minsan mahabang araw o buwan bago ko mabayaran ang bayad ko. Kilala na ako ni Aling Tonya at alam nya kung ano ang kalalagayan ko sa buhay, kung minsan napapansin iyon ng ibang umuupa. At minsan nakakarinig ako ng mga salitang hindi magandang pakinggan.

Minsan hindi ko na nagagawang impisin ang mga gamit ko.

Yung mga labahin ko kung saan saan lang nakasabit. Hindi naman gaanong maliit ang inuupahan kong kwarto.

Lumabas na ako ng kwarto at naupo muna ako saglit. Denial ko ang number ni Bobang, isang bakla na kaibigan ko. Minsan tumutulong ako sa kanya sa parlor nya at binibigyan nya ako ng pera pandagdag sa budget ko.

"Hello! Bang, kailangan ko ng raket ngayon. Pwede ba ako sa parlor mo?"

"Opkursss!!! basta ikaw... swerte ka ngayon tehh! Maraming kustomer dito.. Oh sha sige na punta kana lang dito hinihintay kana ng mga kustomer. Hahahaha!"

Hayyyy salamat!! Hindi ko alam kung bakit minsan parang ang swerte ko. Tumayo na ako at nagtimpla ng kape at naligo na pagkatapos.

--------

"Hays sa wakas nandito kana may isa dun magpapalinis ng kuko puntahan mo na."

"Sige."

Lahat yata ng gawain dito sa parlor alam ko na. Maglinis ng kuko, magkulay ng buhok, maggupit, at mag aaply ng gamot kapag may irerebond si Bobang.

Hindi ko na namalayan ang oras at pagod na rin ako sa dami kong ginawa. Naupo muna ako at renerelax ang leeg. Baling sa kanan, baling sa kaliwa, tungo, tunghay.

"Napagod kaba girl?" -Bobang

"Hindi naman."

"Alam mo ang sipag mo talaga, baka nga kung ako ikaw sumuko na ako sa buhay ko. Tigok na akeeshh!!" -Geraldine, isang bakla na katulong ni Bobang.

"Korek ka dyan ateng, ay naku kulang na nga lang sumali yan sa mga pageant. Speaking of pageant may alam akong pwede kang sumali." -Ricka, isa ding bakla.

Ewan ko ba, sa dinami dami ng makakaibigan ko sila pa. Pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil malaki ang tulong na binibigay nila sa akin at parang mga kapatid na din ang turing ko sa kanila.

"Alam nyo naman hindi ako sumasali sa ganyan."

"Naku, yun nga lang kulang ka minsan sa confidence. Maganda ka naman!!" -Ricka

"Sige pag iisipan ko."

"Oh ayusin na natin to at nang makauwi na." - Bobang.

Hay!! Muntik ko ng makalimotan may pasok nga pala ako ngayon sa isang bar. Isa akong waitress.

"Babuu mga bakla mauna na ako naghihintay na sa 'kin ang papa ko. Hahahaha!" - Geraldine

"Ako din mga mama, ingat kayo." - Ricka

"Ikaw Gab?" - Bobang

"Ah may dadaanan lang ako, pauwi na rin ako."

"Sige, ingat ka girl."

LIFE without LOVEWhere stories live. Discover now