September 6, 2014

115 3 5
                                    

September 6, 2014

7:54 PM

Matagal na akong nagtitimpi, ayoko na, ayoko na!!

Mahal kita, mahal na mahal kita. Hindi ko sinasadya.

Ayoko na! Umalis ka na!

Tinanggal ni Kath ang kamay niya sa akin at tumakbo paalis pero hinabol ko parin siya. Medyo malayo na siya kaya sumigaw ako.

Kath! Kath! Sorry!

*boooggssh*

Nabigla ako sa aking nakita. Para bang huminto ang mundo . Para bang may tumusok sa aking puso.Parang slow motion, madami akong naiisip. Magulo. Kinakabahan. Nalulungkot.

*boooggssh*

May nakita ako sa kalsada. Isang babae na nakahalindusay. Duguan ang ulo. Pumikit ako at tinignan bigla ang babae. Nagising ako sa aking sarili. May naramdaman akong kaba, lungkot, pagaalala. Si Kath nabangga!

Yung ate nabangga!

Kawawa naman yung bata.

Kilala niyo ba yan?

Hindi kasi dahan dahan eh.

Dalin niyo na sa hospital yan.

Mga ingay ng tao ang aking naririnig. Mga sigawan, bulungan at pagaalala.

Ramdam ko sa kanila ang kanilang kaba at pagaalala. Habang sila ay nakapalibot kay Kath.Madali kong nilabas ang aking cellphone at mabilis na tumawag ng ambulansiya. Lumapit ako kay Kath habang binubulsa ko na ang aking callphone.

8:25 PM

Loob ng hospital.

Alam mo ba yung feeling na puno ng kaba yung puso mo. Yung may mga nurse na hihintuin ka na pumasok doon sa kwarto kung saan inooperahan gaya ng mga nasa pinikula. Kailangan daw operahan si kath dahil may mga major injuries daw siya. Habang papasok doon sa kwarto hinawakan ko ang kaniyang kamay. Eto na may mga nurse ng nakaabang.

"Sir hanggang dito lang po kayo," wika ng isang nurse na nakaabang na doon sa may pintuan.

Alam mo yung feeling na parang wala kang kwenta. Yung wala kang magagawa kundi maghintay ng resulta. Umupo ako sa tabi at inisip lahat ng nangyari . Sinisisi ang sarili. Galit galit at gulong gulo sa sarili. Nakatulog ako sa sobrang pagod.

Bumalik ang aking kaba at pagaalala. Madami nanaman akong naiisip gumgulo ang aking ulo.

9:12 PM

Sir? Sir? Gising na po.

Nagising ako sa boses ng isang lalaki medyo malalim ang boses. Tumingala at nakita ko ang isang doctor na nakasuot ng isang uniporme na kulay puti at may nakasabit sa kaniyang balikat. Bumalik na naman ang aking kaba. Gumugulo na naman ang aking isipan.

Doc, ano po? Okay po ba siya? Musta po siya? pagtatanong ko habang kinakabahan.

Nagkaroon tayo ng problema dahil sa malakas na pagtama ng kaniyang ulo.

Sa pagkakasabi ng doctor sa akin ang mga salitang iyan. Bigla akong kinabahan. Nagaalala kung okay ba siya o hindi. Hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan nito. Nagtanong ako sa doctor na may kasamang kaba.

Ano po iyon doc?

Define NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon