Mystery Caller

66 5 2
                                    

10:03 PM

Arrival at Manila

We haved arrived at Manila Airport.

Nagising ako sa pagsalita ng captain. Hindi ko inakalang nandito na pala ako. Parang five minutes lang ah. Osya baba na.

Whuuuu! Sa wakas! I'm home! :) sayang saya kong pagsigaw habang bumaba ng eroplano.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Whaha, wala eh masaya ako. Eto ako eh, wala akong pakielam sa mga sinasabi nila sa akin. Basta masaya, GO! GO! GO! Haha. Nasa labas na ako ng airport ng biglang may pumasok sa aking isipan. Uggghhhh, hindi ko maalala kung ano iyon. Matawagan na nga sila mama. Kinuha ko na aking phone sa aking bulsa at binugsan ko ito.

*tin*tin* (tunog ng pagdial ng phone) *tin*tin*

*ring*ring*

Ayun! nangriring.

*ring*ring*

Hello? Nak saan ka na?

YESSSSS! Nakausap ko na rin si mama dito sa Pilipinas kahit na hindi ko pa siya nakikita haha. Nakakamiss lang talaga kapag hindi mo nakita ng matagal ang pamilya mo. Lalo na ang mama mo na nagpalaki at nagaruga sayo. Si mama lang kasi nagaalaga sa amin. Si papa kasi iniwan na kami nung bata pa. Tapos kapag nagtatanong naman kami kay mama ayaw naman niyang sagutin. Ewan ko ba, parang may tinatago siya kaya hindi nalang namin pinaguusapan. Tatlo nga pala kaming magkakapatid, si Risha yung bunsong babae namin, si Karl naman yung pangalawa at ako ang panganay. Eh sa akin na umaasa ang nanay ko. Sabi niya ako na daw magpapaaral sa mga kapatid ko kapag ako nagtapos ng pagaaral. Wait lang hindi pa pala ako nakakapag pakilala. Eheemm, ako nga pala si Jose Mangitin, 4th year college. Bakasyon namin ngayon kaya umuwi muna ako. Sa Hongkong pala ako nagaral. Ewan ko ba, pwede naman dito sa Pilipinas pero doon pa. Si tita ko kasi sabi niya mas maganda kapag abroad kaya niyaya niya ako dun. Eh si mama naman agad pumayag kaya sayang naman kung tatanggi pa ako. 22 years old na pala ako. Simple lang ako, parang normal na tao. Yung hindi masyadong mahilig sa mga famous famous. Para bang para sa akin wala ring idudulot na mabuti sakin yan. Haha kaya ayun, pero pag dating sa love totoo ako.

Ma, dito na ako sa labas ng gate. Saan na kayo? masaya kong pagtanong kay mama.

Malapit na kami anak. Medyo na traffic kasi eh.

Sige po. Hintay nalang ako.

Pinatay ko na yung phone ko at naghintay. Mga after five minutes tumawag si mama.

Hello ma. Saan na kayo?

Dito na kami anak sa may gate. San banda ka diyan?

Dito po sa may main gate.

Ayun anak kita na kita!

Sa pagkakasabi sakin ni mama ng salitang iyon para bang biglang kinabahan ako na may saya. Parang nakakapag panibago o kasi namiss ko lang sila. Haha

Sige po ma. Sa wakas ma makikita na ulit kita :) masaya kong pagsabi kay mama.

Pinatay ko na yung phone at naghintay sa kanila. Bakit kaya ang tagal ng mga yon. Sabi nila nakita na nila ako pero hindi ko parin sila makita. Niloloko ata ako nung mga yun -.-Umupo muna ako sa upuan sa may mga pay phone habang naghihintay at hinahap sila. Nang may biglang may bumulong sa akin.

Nak. Holdap to.

Bigla akong ngumiti dahil alam kong si mama ko to. Talagang palabiro tong pamilya ko whaha. Sabihan ba naman ako ng "holdap to" Haha. Lumingon ako at sabay ngumiti. Niyakop ko si mama ng mahigpit na mahigpit hanggang hindi na siya makahinga. Haha joke lang, ayoko ko pang mawala ang mama ko.

Ma, ikaw talaga. I miss you po. Sila Karl at Risha nasaan? Miss ko narin yung mga yun.

Sa pagkakasabi ko nito may biglang sumigaw sa likod ko ng napakalakas.

KUYYYAAAA!!!!!!!

Napalingon ako sa likod. Yung dalawang ko lang palang kapatid.

Kayo talaga! Whaha. Namiss ko kayo. sabay pagyakap nila sa akin.

MIss narin namin kayo kuya.

Ba ang gwapo mo na Karl ah, mana sa kuya. 

Syempre naman kuya. Haha nagtawanan sila na para bang sayang saya.

At syempre ikaw rin Risha. Chix tong kapatid ko ah. Pero wala munang papaligaw ah. pabiro kong sinabi sa kaniya.

Chix talaga to kuya tikoy. pabiro niyang sagot.

Ay oo nga pala, tikoy pala palayaw ko. Ewan ko kung saan ko nakuha yang pangalan nayan. Nagkukulitan kami habang papalapit sa aming sasakyan. Nagkamustahan kami sa loob ng van. Kung maganda ba daw sa Hongkong o kung okay naman daw ang trato nila sa akin dun. Nagkulitan, biruan at puno ng saya. Habang bumabyahe pauwi nakatulog yung dalawa kong kapatid. Na knockout sa pagod Haha. Edi natulog nalang din ako. 

Lumipas ang ilang oras at nakauwi narin kami. Sarap sa pakiramdam yung ganitong feeling. Yung sa wakas nakabalik ka na kung saan ka lumaki. Yung mga naipon na tawana,kulitan,saya,lungkot at iba pa. Haha nakakamiss talaga :) Wait lang nagugutom na ako. Kakain muna ako tapos matutulog na. Hayyyy nakakapagod :) 

Define NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon