Dear x,
Naalala mo pa ba yung araw na umutang ka ng pera dahil sabi mo pupunta ka sa tito mo at wala ka ng pera? Oo. Limang daan ang ibinigay ko dahil nag alala ako na baka mawala ka at wala kang pera pang taxi. Okay lang naman yon. Walang kaso dahil ganon naman tayong dalawa. Ang saya-saya pa nga naten ng araw na yon at kakatapos lang din naten mag simba. Hinatid mo pa ako sa bahay at may kiss pang kasama. Pero yun pala, nagtataksil ka na. At ang masakit pa, humiram ka lang pala ng pera dahil wala kang pang date sa iba! Lintek ka! Malaman laman ko, nung araw ding yon nasa Trinoma ka, nagsasaya at nanonood kayo ng kaibigan ko ng kimidora!!
-x2