5. Walang Nagmamahal Saakin

336 3 0
                                    

______________________________________________________

May mga bagay dito sa mundo na patuloy na nagtutulak sa atin para maging bulag sa mga katotohanan.

Marami sa atin ang nagsasabi na "Walang nagmamahal sa akin".

Ikaw alam mo sa sarili mo na sa tuwing ikaw ay nakakaranas ng

KALUNGKUTAN o

mga PAG-SUBOK

hindi mo mai-alis sa iyong sarili na mag-isip na walang nagmamahal sayo.

-

sa isang pamilya madalas nangyayari ang ganitong sitwasyon. may mga pagkakataon na nagkakaroon favoritism ang magulang sa mga anak, pagkatapos ang ibang member ng pamilya ay hindi na mapapansin kaya iisipin na lamang nila na walang nagmamahal sa kanila.ang iba sinasayang pa ang buhay dahil wala naraw nagmamahal sa kanila. 

sa buhay natin hindi dapat tayo mag-isip ng mga bagay na magbibigay saatin ng dahilan para masaktan at mahirapan. huwag mong isipin na walang nagmamahal sayo, ang ating Panginoong Diyos ay laging nariyan na nagmamahal sa bawat isa.

-

JOHN 3:16

 - For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.

1 JOHN 3:1 

- Behold, what manner of love the Father hath bestowed upon us, that we should be called the sons of God: therefore the world knoweth us not, because it knew him not.

 -

Mahal tayo ng ating Diyos sapakat ang kanyang kaisa-isang anak ay kanyang inialay para lamang sa kaligtasan ng lahat.

Ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay walang katulad o katumbas man dahil sa kabila ng ating mga kasalanan ang pagmamahal na alay niya ay patuloy parin.

kaya huwag mong iisipin na walang nagmamahal sa'yo.

huwag mong sisirain ang buhay dahil lamang sinasabi ng isip mo na nag-iisa ka at walang nagmamahal sa'yo sapagkat ito ay isang malaking kasinungalingan.

kung patuloy mong susundin ang takbo ng isip mo. patuloy mo ring pahihirapan ang sarili mo.

Pero kung susundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo at idalangin mo ito sa Maykapal, mararamdaman mong may nagmamahal sa'yo at ang pagmamahal na ito ay higit pa sa pagmamahal na hinahangad mo.

ang buhay mo ay isang regalo ng Diyos na ipinagkaloob sa'yo kaya bigyan mo ito ng kulay at kahulugan.

gamitin mo ito sa paggawa ng tama at lagi mong isipin na may nagmamahal sa'yo at walang iba iyon kundi ang ating Panginoong Hesus.

-

-

-

-

-

-

-

ANG BUHAY AY PAKIKIPAGSAPALARAN

ANG BUHAY AY PAKIKIPAGSAPALARANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon