2. Nahihirapan na Ako

727 2 0
                                    

-

____________________________________________________________

Sa araw-araw ng buhay mo, hindi mo maiwasan na maging malisa o maging malungkot dahil sa mga pag-subok na patuloy mong nararanasan.

 "NAHIHIRAPAN NA AKO" "SUKO NA AKO" yan ang ilang mga katagang nasasabi natin sa tuwing tayo ay nakakaranas ng mga pag-subok.

Lahat tayo dito sa mundo nakakaranas ng paghihirap. nakakaranas ng mga pasakit hindi lamang sa pisikal na katawan kundi ganun din naman sa espiritwal. 

lahat tayo nakikipaglaban sa paghihirap na ating mga nararanasan, " Hindi ko na kaya" ang daing naman ng iba.

OO hindi natin maiwasan ang sambitin ang katagang iyan, dahil wala namang pag-subok ang dumating  sa ating mga buhay  ang hindi natin edi-naing, masyado kasi tayong mareklamo kunting paghihirap lamang hindi na kaya.

Pero si Jesus kahit minsan hindi siya nagreklamo, nang danasin ni Jesus ang mga  pag-uusig sa kanya kahit minsan hindi siya nagreklamo hanggang sa ipako siya sa krus. pero tayong mga tao  kunting sugat sa ating katawan at mga problema nagrereklamo na.

paano ba tayo tatayo sa ating mga sariling paa kung para parin tayong mga sanggol, dahil  sa mga simpleng pag-subok na ipinaparanas saatin sumusuko na tayo.

paano ba tayo magiging matatag kung patuloy tayong magiging mahina. nasa akin,sayo at sa lahat ang kasagutan. anu man ang ating maranasan hindi tayo iiwan ng ating Panginoon.

ISAIAH 41:13

"For I am the LORD your God who takes hold of your right hand and says to you, Do not fear; I will help you."

 

ang Diyos ay laging sasaatin kung tayo ay lalapit sa kanyang Pangalan at  maniwalang makakayanan natin ang lahat ng mga pag-subok sa buhay.

sa panahon ngayon hindi na uso ang pahinaan ng loob, kung mahina ka talo kana, pero kung sa bawat kahinaan mo may Diyos na naghahari sa buhay mo walang imposibling makakayanan mo ang lahat.

simple lang naman ang buhay kung ene-enjoy mo ito, pero kung ikaw mismo ang gumagawa ng dahilan para mahirapan ka, eh nasasaiyo narin iyon kung paano mo gagawan ito ng solusyon.

hindi biro ang mga kaganapan na nangyayari sa buhay ng bawat isa dito sa ibabaw ng lupa. kung tayo ay mag-oobeserve sa mga nangyayari sa ating mundo talagang napakasakit isipin na dahil sa ating mga ginawa tayo rin ay nahihirapan.

sa kalamidad na pa ulit-ulit nating nararanasan, sa mga tag-gutom at kung ano-ano pang mga trahedya. Hindi man natin aminin sa ating mga sarili tayo rin mismo ang gumagawa ng dahilan kung bakit tayo nahihirapan.

-

isang rason lang naman kung bakit ang ibang tao ay nahihirapan sa buhay , dahil ang naghahari sa kanilang buhay ay ang nasa kanilang kapaligiran, mga maka-mundong bagay hindi ang Diyos.

nahihirapan dahil sa hindi alam ang tama at mali, binigyan ka ng kaalaman ng Diyos para alamin mo ang tama at mali, pero patuloy mo paring pinag-hahari sa buhay mo ang mga maka-mundong bagay kaya ka nahihirapan.

pero kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga nais at layunin  ng Diyos sa buhay mo magiging maayos ang takbo nito.

COLOSSIANS 3:2

"Set your minds on things above, not on earthly things."

PHILIPPIANS 4:8

"Finally, brothers and sisters, whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable--if anything is excellent or praiseworthy--think about such things."

 

ituon natin ang ating mga puso't isipan sa mga bagay na nasa itaas, gumawa tayo ng ayon sa kalooban ng ating Panginoon.

Manalangin ka sa tuwing ikaw nahihirapan.

nabibigatan sa mga problemang iyong kinakaharap

at nahihirapan na sa buhay.

dahil ang panalangin ay siyang tulay natin sa pag-angat ng ating espiritwal na buhay.

Ipagkatiwala mo ang buhay mo sa Diyos, dahil sa bawat pag-tawag at pag-daing mo nakikinig ang Diyos at alam kung diringgin niya ang lahat ng iyong panalangin manalig ka lamang sa kanya.

-

-

-

-

-

-

-

-

ANG BUHAY AY PAKIKIPAGSAPALARAN

ANG BUHAY AY PAKIKIPAGSAPALARANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon