CHAPTER II
I.
Habang nakaupo malapit sa bintana ng eroplano si Jessa ay naaalala nya ang mga bagay na naexperience nya sa Korea. Napapangiti na lamang siya. Palubog na ang araw nang lumapag ang eroplano sa airport ng NAIA ay parang subrang tagal nyang nawala sa sariling bansa at subra nya itong namiss. Habang naglalakad siya ay maytumawag sa kanyang pangalan.
“ Ate! Ate! Dito !” Nang lumingon siya ay ang nag-iisang lalaking kapatid pala nya, limang taon lamang ang tanda Jessa dito..
“ Oy! Jake.. kumusta” at niyakap nya ng mahigpit ito.
“ kumusta?, grabe na miss kita subra maknae”
“ Maknae? Sinong maknae ate?” pagtatakang tanong ng kapatid.
“ Ah, maknae, ibig sa bihin non bunso” pagpapaliwanag nya. Nasanay kasi sya kay Ho jun na tinatawag nyang Maknae. Para siyang biglang nalungkot wala napala siya sa Korea.
Nang lumabas sila airport ay nagbantay na sila ng taxi pauwi sa kanilang bahay. Habang nakasakay sila sa taxi ay tinatanaw nya ang bawat lugar na nadadaanan nila. May ibang nagbago na sa paningin nya dahil binago na ito at ang iba naman ay nanatiling ganon padin. Pagbaba nya ng taxi ay tuloy-tuloy siya sa loob ng kanilang bahay.
“ Jake kaw na bahala jan, kaya mo ng buhatin yan”.
Pagpasok nya ng pinto ay nakita nya sa sala ang mama ay papa nya na nanunuod ng TV.
“ Ma, Pa” tawag nya na kumikinang ang mga mata sa subrang tuwa. Nilapitan nya ang mga ito at niyakap. Umupo siya sa sofa at huminga ng malalim.
“ Grabe, na miss ko kayo talaga, kumusta kayo dito”
“ Anak naman, kelan ka lang tumawag dito at kinamusta kami, dalawang araw palang nakalipas bago ka lumipad patungo dito ngayon.” paliwanag ng mama nya. Siguro ay masyado lang syang na excite sa pag-uwi nya.
Maya-maya ay pumasok na ang kapatid nya na kumpol-kumpol ang dala dahil sa mga bagahe nya.
“ Ay!, eto nga pala, marami akong dalang pasalubong para sa inyo, magugustohan nyo to” At binuksan nya ang maleta nyang may lamang mga pasalubong.
Nagluto ng hapunan ang mama nya para sa kanila. Bago siyang mag-umpisang kumain ay tinitingnan nya ang mga ulam nila na talagang Pinas na Pinas na parang takam na takam siya sa mga ito. Nagluluto din naman siya ng lutong pinoy noong nasa Korea pa siya, ngunit iba parin talaga ang mga sangkap na sariwa sa Pinas.
Bago siya matulog ay inayos muna nya ang iba pa nyang gamit na nasa maleta nya at iba pang lagayan. Binuksan nya ang isang lagayan na kung saan ay nakalagay ang stufftoy na otter ba bigay sa kanya ni Ho Jun. kinuha nya ito sa kinlalagyan at nilagay sa uluhan ng kanyang kama. Ang picture nya na nakaframe kasama ng lima ay isinabit nya sa pader katapat ng kama niya na kung saan ay matitingnan nya ito kahit nakahiga na sya.
Pagkagising kinaumagahan ay napatingin agad siya sa pader katapat ng kama nya ay larawan agad nila ang nakita at napangiti nanaman siya.pagtingin nya sa bintana ay umuulan pala.naalala nya tuloy na kung sa Pinas ay umuulan ng tubig sa korea umuulan ng snow. Natawa na lamang siya sa biglang pumasok sa isip kung sa Korea ay naranasan nyang madulas sa snow sa Pinas ay naranasan nyang madulas sa putik.
Bago siya lumabas ng kwarto ay naisipan nyang mag internet muna. Una nyang tiningnan ang official site ng lima. Dahil ilang araw palang din naman siyang umuwi ay wala pa namang gaanong balita sa kanila. Sa ilang araw pa lamang nyang nakauwi sa Pinas ay parang antagal na nyang nawalay sa lima.Nagpost na lamang siya sa lahat ng site ng MP5. Gusto sana nyang magsend ng text sa mga ito ngunit hindi na rin nya ginawa dahil ayaw nyang disturbuhan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
My Pretty Boys Book 1- ( OBSESS )
RomansWho among us has no idols? Who among us has no crushes? Well everyone, I am talking of people whom you are watching in front of your television or on stage in their live performances. How very inspiring everytime you see them in pictures, televeisi...