Nagsimula sa usapan tungkol sa kape, pero ngayon lilisan ka na na parang walang nangyare.
Tanda ko pa nuon, nasa harap ka ng van na sinasakyan.. saka tayo nagkakwentuhan, dahil ang iba ay may ibang pinagkakaabalahan.
Hindi ko naisip na sa simpleng biruan ay may mabubuong nararamdaman, pakiramdam na matagal tagal ko nang hindi ulit nararanasan.
Hindi rin nagtagal, nagkapalitan ng mensahe, nagsimula nang pagharapan ang kape at unti unting nagkakilalang mabute.
May isang araw na sa paglabas natin ay may nakakitang pamilyar sa paningin. Nahiya akong may makakita hindi dahil sa ikaw ang kasama kundi dahil sa ako ang iyong kasama.
Araw, Linggo,at buwan ang lumipas, ganoon parin ang ating palabas. Sinubukang manuod ng sine at kumain sa labas. Hindi maitatangging masaya ang aking pakiramdam. Ngunit ang inaalala ko'y ikaw kung masaya ka rin ba pag ako ang iyong kasama.
May mga pagkakataong ang birua'y nais seryosohin, ngunit ito'y aking itinanggi sa paniniwalang ika'y hindi nararapat sa akin. Magkaiba ang ating mundo, langit ka at lupa ako. At hindi ikaw nababagay sa isang taong katulad ko.
Hindi ko na itatangging malpit na akong mahulog. Sa lalim ng nadarama ayaw ko namang umasa na ikaw ay may pagsinta hindi ko alam kung sa akin o sa iba.
Nagdaan pa ang mga araw nabigyan ka ng tsansa, napunta ka sa ibang mundong hindi mo naman ninasa. Sa akin ay natuwa ako dahil patunay lang yan ng husay mo. Tinanggap ka't tinanggap mo, dasal ko sana'y naging masaya ka kahit papano.
Naiwan ako sa mundo na minsa'y naging pantay tayo. Masaya ako sa kinalagyan mo, dahil alam kong ito'y kailangan mo. Ngunit sa pag iba mo ng mundo ako'y unti unting nakaligtaan mo. Ang sabi ko "ok lang yan, doon naman sya tlaga dapat, kasama ng mga taong nababagay sa kanya".
Simula noo'y pinilit kong umiwas, ang damdamin ko ay hindi ko na inilabas. Dahil alam kong hindi paman nagsisimula ang palabas ito agad ay nagwakas.
Nakikita kitang may kasama nang iba, at naisip kong "uy mas bagay ka sa kanya". Hindi magkalayo ang estado nyo sa buhay at parehas kayong may klas at malumanay.
Naalala ko bigla ang isang kaibigan, na parang kapareho ng aking naranasan. Yun nga lang hindi nya pinatulan, dahil baka alam nyang hanggang kaibigan lamang.
Naikwento ng mga kaibigan ko na iba na nga raw ang turingan nyo. Naging malapit kayo ng todo todo at ako'y wala na sa paningin mo.
Simula noo'y tanggap ko na ako nga ay hindi mo na kilala. Pinilit kong iwasan ka at maging pormal pag nakikita ka. Piit kong itinatanggi sa isip na okay lang talaga pero yung puso ko nadurog na tuwing nakikita kita.
Sinubukan kong buksan ang pinto ko sa ibang tao, nakakita ako ng isang taong sa palagay ko ay akma ako. Pinatuloy ko at inalagaan hanggang sa ikaw ay makalimutan. Ngunit ng ikaw ay lilisan bakit ito'y aking naramdaman.
Nakaramdam ako ng lungkot hindi dahil sa ikaw ay aalis, naramdaman ko ang lungkot nang hindi manlang ikaw ang nagbanggit. Nataon nga lang ba talaga o ito'y napag usapan nyo na, na sabay kayong mawawala ng kaibigan mong minumutya.
Naisip ko nama'y ganito, sino nga ba ako sa iyo. Bakit pa ako aasa pa na ito'y malaman ko mula sayo.
Nawala na nga ba ng lahat maging ang pagkakaibigan. Sinabi mo pa sa iyong liham na "kasama ka sa mga dasal ko". Ito nama'y tinugon ko sa pagdarasal para sa iyo. Ngunit hindi pang sarili ko kung hindi masunod sana ang kagustuhan mo't ipagkaloob ng Dyos ang nasa puso mo.
Noon akala ko'y ikaw na ngunit hindi pa pala. Sadyang ang Diyos ang nakakaalam kung saan ka mapupunta. Ngayon ay nakapagpasya ka na. At dininig ng Dyos ang panalangin ko.
Masaya ako sa nalaman kong itutuloy mo na ang iyong gusto, matagal ko na ring pinangarap na ito'y makamit mo. Salamat sa pansamantalang ligaya at pagpapadama na minsa'y akoy iyong kilala at naging parte ng buhay mo.