KYLENEIT WAS ALREADY 7am when I woke up and to my surprise wala si Ash sa kama namin.
I still remember what he said last night and I admit my heart was racing.
And dang!
Abs pala yun? Can I have another pinch?
Bumangon na ako at ginawa ang ritual ko sa umaga pagkatapos ay bumaba na
Today is Monday at may pasok na ako. I just hope na makakahabol pa ako sa mga lessons
Suot ko na ang uniform ko pababa at reading-ready na ako papuntang school
"Oh. Kylene iha, kumain kana nauna na kasi sayo si Ash. May aasikasuhin daw muna siyang importante"
Sabi ng mayordoma ng bahay nila Ash
Tumango naman ako at kumuha ng sandwiches at umalis na tapos nagtungo sa driver na iniwan saakin nina Daddy Sean At Mommy Gabriella.
Simula ng ikasal na kami ni Ash ay sinabi naman saakin ng parents niya tawagin ko na lang daw sila na mommy at daddy
"Oh. Miss Kylene! Ako nga po pala si Dale at ako po ang personal driver niyo" nakangiting sabi niya tapos ay tinignan ko siya ulo hanggang paa
Ang ini-expect ko talaga ay matanda ang personal driver ko pero looking at Dale parang mas matanda ako sakanya ng isang buwan
"Tara na po maam?"
"What?" Wow. Parang natulala ako saglit
"Ay Oo nga pala. Spokening in English pala kayo" ani niya at napakamot sa batok
"You go schooling maam. And I drive-drive the broom-broom"
Ano daw? Gusto kong matawa sa sinabi niya pero kinibit balikat ko nalang at pumasok na ako sa loob ng kotse.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse hanggang sa naihatid na niya ako sa aking iskwelahan
"Take Care maam, okay?" Napangiti naman ako sa sinabi niya
"I will! Ikaw rin mag-ingat ka" bahagyang nanlaki ang mata niya ng marinig ang huli kong sinabi bago ako umalis at pumasok sa school
NASA CORRIDOR palang ako ay naririnig ko na ang tilian ng mga babae dito
Well actually hindi naman nila ako napapansin dahil hindi naman ako kapansin-pansin at habang nagchi-chika sila ay hindi ko maiwasang hindi marinig ang pinag-uusapan nila
"Girls! Alam niyo na ba na married na ang isa sa tagapagmana ng Ferrer Group of Companies?"
"Oh. Yes! Ikinasal na daw sila at a very young age! I mean nag-aaral pa nga sila eh. Tapos ikinasal na!"
Napahinto sa paglalakad at lumapit sa kanila habang tinitignan ko sila na realize kung juniors pala sila
"Good morning ladies" malambing at nakangiting sabi ko
Agad naman silang yumuko bilang galang saakin dahil ako ang kanilang Senior
"May I ask kung saan niyo nakuha ang information na sinasabi niyo?" Mas nilawakan ko pa ang aking ngiti
"Actually po. That news came from my mother. Uhm, you know her right? She's Mrs. Bettina Fulgar the owner of Fulgar Jewellery" nagmamalaking sabi ni Junior Girl no. 1
"Oh, is that so? How did she know?"
"I don't know"
Napa-buntong hininga nalang ako at tumalikod na tapos dumiretso na sa classroom
YOU ARE READING
MARRIED TO A GANGSTER
Teen FictionWhen I first met him, it was fine, he looks fine. Just a normal handsome, a little serious, talented, caring, and loving son of a business tycoon that I have to marry in order to save our company... Little did I know that he's the "gangster-wanna-b...