A/N: Sorry sa typos😂
***
Angelie's POV
Sobrang hirap talaga ng buhay dito sa probinsiya. Gigising alas kwatro ng umaga para magpatuka ng manok. Tapos tutulog ng alas diyes ng gabi dahil magpapakain pa ng mga baboy. Haiisst. Napapagod nako. Once na may mag aya sakin papuntang Maynila sasama talaga ako.
"Pro!" Ayan na si Higgen, yung bespren ko. Pro ang tawagan namin. Nakikiuso din kami bakit ba!
"Bakit Pro?"
"May Good News ako sa'yo! Nakapasa tayo sa scholarship! Makakapunta na tayong Maynila!"
"Talaga ba Pro! Pangarap ko talaga to"
"Oo Pro, di ka nananaginip! Totoo to!"
"Kelan ba tayo makakaluwas? March pa lang ah? Sa June pa pasukan?"
"Sa susunod na buwan na tayo luluwas Pro. Asikasuhin mo na documents mo para di ka mahirapan maghabol."
***
Excited akong umuwi sa bahay para ibalita kila mama ang nangyari. Ngunit... ngunit...
"Nay? Tay? Asan kayo?"
Nilibot ko ang bahay namin, mabilis lang akong natapos dahil maliit lang ang bahay namin. Ngunit di ko na sila nakita. Palabas na sana ako ng bahay ng may makita akong sulat sa lamesa.
Lie,
Pasensiya na anak. Di na kami nakapagpaalam ng Tatay mo. Ayaw kasi naming makita kang umiiyak habang papalayo kami. Nahihirapan na kami ng Tatay mo, at ayaw naming mahirapan ka din. Papunta na jan ang Tita Bea mo, antayin mo na lang. Congratulations nga pala sa scholarship mo. Oo anak, nasabi na samin ni Higgen. Mas magiging masaya at maganda ang buhay mo doon sa Maynila kasama ang Tita Bea mo. Patawad talaga anak. Sana mapatawad mo kami.Nanay
***
Ilang oras din akong nag-iiiyak, nagdadabog. Ngunut wala na, wala na kong magagawa. Umalis na sila. Dumating na si Tita Bea, sumama na ako sa kanya tulad ng sabi ni Inay sa sulat.
"Maganda sa Maynila, maraming pasyalan, magagandang paaralan at andun din ang mga pinsan mo kaya tara na!"
Alam kong nagbabait baitan lang tong si Tita Bea. Alam ko kasi ang ugali nito, demonita! Yan kung idedescribe ko siya!
***
Nakarating na kami ni Tita sa Maynila. Pagbaba namin ng sasakyan niya. Tumambad sakin ang napakalaking bahay--bahay nila Tita. Napakagara! Ang garbo ng gate! Pero nung papasok na ko...
"Hep hep! Jan ka lang! Akala mo talaga aampunin kita? Ambaho baho mo! Lumayas ka na! Wag ka na magpapakuta ulit sakin!"
"Pero Tita san ako pupunta!?"
"Bahala ka sa buhay mo! Wala akobg pakialam kung maging pulubi ka jan. Tulad ka lang ng mga magulang mo! Wala nang pag asang yumaman!"
***
Pinagtulakan ako ni Tita palabas ng bahay nila. Nasa labas na ko ngayon nagiikot. Nang sa isang poste may nakita akong nakadikit.
WANTED:
KASAMBAHAY
Stay-in
Just call or text: 09771654151***
A/N: Enjoy reading😂

YOU ARE READING
Just Your Yaya
RomanceIsang ordinaryong dalaga ang nakipagsapalaran sa Maynila upang humanap ng mas magandang oportunidad. Naging isa siyang katulong. Ngunit nagbago ang lahat nang siya'y naging Yaya ng isang artista. Artistang matagal na niyang hinahangaan.