Naalimpungatan ako dahil ni-letse na naman ako ni Auvery. Anong oras na ba? 11 o'clock. Walanjo, hindi pa umaabot ng dalawang oras 'yung tulog ko.
"Ano ba kasi, bumangon ka na riyan at maligo na!"
Paano ba naman kasi, nagpapasama sa'kin na pumunta sa mall. Bibili raw siya ng damit para sa date nila ni Clayton mamayang gabi.
"Oo na. Bwisit."
Narinig ko ang mahina niyang pag-yes.
Naligo ako at nagbihis. Paglabas ko ay nakita ko si Mama na abalang naghahanda ng pagkain sa lamesa.
"Kumain muna kayo bago umalis. Dali na at umupo na kayo."
"Naku, huwag na po. Ayos lang po kami." ani Auvery habang nanonood ng tv.
"Nasaan si Iana?"
"May pasok ng 8:30 kanina. Muntikan pang malate."
Tumango ako kay mama."Tara na, Auv."
"Dadalhin mo ba ang kotse mo?" Tanong ni mama.
"Hindi po. Sayang sa gas." Tipid kong sambit.
"Sige po alis na kami Mama, Bye po!" Napa-irap ako sa sinabi niya.
Tumango si mama sa kanya.
"Bakit nakiki-mama ka? Wala ka bang mama?" Peke siyang ngumiti at palihim akong tinaasan ng gitnang daliri. Tinulak ko na siya palabas.
Nakasakay na kami sa taxi. Ipinikit ko ang mata ko at sumandal sa bintana.
"Elinne, ano bang ginawa mo kagabi at napuyat ka?" Tanong niya.
"Paano mo naman nalamang puyat ako kagabi?" Mataray kong tanong.
"Sinabi ng mama mo. Dali na ano nga, nanood ka ng porno 'no?"
Napamulat ako at sinamaan siya ng tingin. Itulad niya pa ako sakanya.
"Joke lang. Ano nga kasi?"
"Wala naman. Inisip ko lang kung paano kita lalasunin mamaya."
Tumaas ang kilay niya.
"'di mo 'ko pwede patayin, mababawasan ng maganda sa mundo."
"Tss. Ewan ko sa'yo. Gisingin mo na lang ako pag malapit na tayo."
Tumango lang siya bilang sagot. Sa wakas. Pumikit ulit ako. Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagsitsit ni Auvery.
"Madeline Amaia, ano nga? Eto naman eh, Ang daya. "
May pag-pout pa siyang nalalaman. Mukha naman siyang hito.
"Nanood ako. Okay na?" Tumawa siya.
"Sinasabi ko na nga ba!"
"Hindi kasi yon! Nanood ako ng K-drama! 'wag mo nga akong itulad sa'yo na hobby ang manood ng anuhan!"
Sinamaan niya ako ng tingin. Oh, ano ka ngayon ha.
Dumating na kami sa mall at pumunta sa isang boutique. Ito yung madalas kong pinupuntahan noon kaya dito ko siya dinala.
"Bakit ka ba makikipag-date sa Clayton na yan?"
"Kasi gwapo siya, matangkad, maputi, magaling sa sports, at marami pang iba na hindi ko na sasabihin dahil baka ahasin mo siya."
Binigyan ko siya ng nakakadiring tingin. "As if."
"What's with the face? Nakakadiri ba si Clayton?"
"Hindi naman. 'di ko lang siya type. Ganun lang." Sabay tawa ko.
"Hindi mo type o hindi ka pa nakakamove-on?"
Natahimik ako.Dahil tama siya. Hindi pa nga ako nakakamove-on.
Hindi pa ako nakakamove-on sa nangyari sa amin ni Sky.
I frowned. "Tanga, hindi 'no."
"Okay, sabi mo eh." Hindi kumbinsidong sagot niya.
"Totoo nga kasi!" Pag-pupumilit ko.
"Eh kung totoo nga na naka 'move-on' ka na bakit hindi ka pupunta sa High School Reunion?" She emphasized the move-on, tss.
Bumuntong-hininga ako. "May gagawin ako next week."
"Anong gagawin mo? Tumambay sa kwarto? Hoy! Parang simula nung bumalik ka rito hindi ka lumalabas ng bahay niyo, ah? Lumiko ka na naman ba ng landas at ginusto mo nang maging vampire?"
"Ang init kasi dito." Pag-dadahilan ko.
"Gago, tatlong taon ka lang sa Korea ganyan ka na? Feeling Koryana ka, girl?" Pagalit niyang tanong.
"Ang ingay mo, bilisan mo na gusto ko nang umuwi."
"Hindi ako papayag na hindi ka sumama sa reunion."
Napatampal ako ng sarili kong noo. Bwisit naman!
"Ayaw ko nga sabi!" Galit na sambit ko.
"Ano ba kasing problema mo? Takot ka na guluhin ka ulit niya? That's bullshit, Madeline! Naka-move on na siya sa'yo! He's dating Kaia Ramirez for God's sake!"
Napalunok ako. Wow, Kaia? Napasinghap ako at tinusok ang pisngi gamit ang dila.
"Edi good. Pupunta ako." I said with finality.
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Great decision, Maia."
"Fuck you. Alam mo, manahimik ka nalang at baka mag-bago pa ang isip ko." Pagalit kong sambit.
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Teen Fiction"Akala ko ba hindi mo ako sasaktan, Sky?" Date Started: March 02, 2019