Bola
Naglalakad ako rito sa isang hallway sa Ridgevalley High. Dito ang napiling school ni mama na lilipatan ko. Mukha namang maayos dito. Naayos na ang mga schedule at ang mga gamit ko nung nakaraan pa. Buti nalang at tinulungan ako ni mama.
Sabi ni Mama, sa Section 3-C daw ako. Section C, huh? Valedictorian kaya ako nung Kinder!
Pumasok ako sa room na kung saan may nakalagay na 3-C sa may pintuan. Konti palang ang tao doon dahil maaga pa naman.
Umupo ako sa isang bakanteng upuan malapit sa bintana. Nasa may likuran ako dahil dito ako kumportable. Hindi ako masyadong mapapansin.
Nagsimula ng pumasok ang mga estudyante. May sari-sarili silang mundo. Nag-suot muna ako ng earphone at nakinig ng music. Maya-maya pa naman siguro darating ang teacher namin.
Nakaharap ako sa bintana. May babaeng lumapit sakin. Maputi siya at naka-ponytail ang buhok. Maganda rin siya at walang bahid ng kolorete sa kanyang mukha. Tinanggal ko ang earphone ko at tumingin sakanya.
"Hello! Mukhang bago ka rito ah, ngayon lang kita nakita. I'm Aurora Avery Azarcon, But you can call me Auvery!" Sabay lahad ng kamay sakin.
Ngumiti ako sakanya sabay tanggap ng kamay niya.
"Anong pangalan mo?"
"You can call me Elinne. But my real name is Madeline Arandia."
"Yun lang ang pangalan mo? Ang iksi naman!" Reklamo niya sakin. Tumawa ako ng mahina. Kung alam mo lang.
"Dito ako sa tabi mo ah?"
Tumango ako at umupo na siya. Napansin ko rin na dumarami na ang mga estudyante. Wala nang bakanteng upuan.
Maya maya lang dumating na ang isang matangkad at magandang babae na sa tingin ko ay teacher namin.
Nagpakilala siya sa amin at sinabi niyang kailangan din naming magpakilala. At una ang mga babae.
Alphabetical order ang pagpapakilala namin. May tatlong babae na ang nakapagpakilala nang tinawag ang apilyedo ko.
"Miss Arandia? Please come infront and introduce yourself."
Oh my gosh, Lord save me.
Naglakad ako palapit sa unahan at nagdadasal sa isip ko. Gosh! Sana hindi ako mapahiya.
"Witwiw! Ganda naman!" Sigaw ng isang kaklase ko. Agad ko siyang minura sa aking isip.
"Good morning. My name is Madeline Amaia Isabel Arandia. I'm 15."
Babalik na sana ako sa upuan ko ng tinawag ako ng teacher.
"Miss Arandia? Please tell us more about yourself."
Bloody Hell!
"Uhm. I-i like reading books and listening to music. I also like Nature. I enjoy City Lights and the Summer breeze. That's all. Thank you."
"Thank you, miss Arandia. You may now sit down." Agad akong bumalik sa inuupuan ko at huminga.
Kasama kong naglalakad si Auvery papuntang canteen para mag-lunch.
"Bff, sa may field nalang tayo kain, panoorin nating maglaro mg soccer yung crush ko." Bff? Hindi ba't kanilang lang kami nagkakilala? Bakit bff agad? Ganito ba talaga siya sa lahat?
I bought Chicken Sandwich and orange juice. Samantalang si Auvery naman ay Ham Sandwich at mango juice. Wow, level up ang pagkain dito ah.
"Tara na? Excited na ako oh!" Dahan-dahan akong tumango sakanya.
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Teen Fiction"Akala ko ba hindi mo ako sasaktan, Sky?" Date Started: March 02, 2019