Chapter 2

50 5 6
                                    

Pasa

Nagising ako sa marahang pag-tapik sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. 

Agad na nanlaki ang mata ko sa nang magtama ang tingin namin ng lalaki. Sa sobrang lapit niya ay kitang kita ko ang kanyang mukha. HD. High Definition. 1080p. 

Napaatras din siya sa gulat. Agad siyang nag-iwas ng tingin at inilagay ang kamay sa dibdib. 

"Amputa, nagulat ako." He whispered. Agad niyang tinampal-tampal ang bibig. 

Tumikhim siya. "You've missed your classes." Tipid niyang sambit. 

Agad kong tinignan ang wristwatch ko. It's 3:30 already? Idlip lang ang sabi ko! Halos tatlong oras akong tulog! 

"Anong oras natapos ang pag-gamot diyan sa..." Tinuro ko ang mukha niya. "Pasa... Mo?" 

Ang kaninang pamumula ay naging pasa na. Naguilty ako. 

"Ah, eto? Hmm..." Nag-isip pa siya. "Mga 1:30. Mabilis lang naman." 

Napa-awang ang labi ko. "Nanatili ka rin dito nang matagal?" 

Dahan-dahan siyang tumango. 

"You've missed your classes too?" 

Tango lang ulit ang sagot niya. 

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?" Takang tanong ko. 

"Well, I did for like... 50 times. And you're still asleep." My eyes widened. Kahit kailan! Napakatulog mantika ko talaga! 

Tumayo na ako mula sa matagal na pagkaupo. I stretched my back. 

"Shit, my bag." Dali-dali akong lumabas at nakita si Auvery palapit na bitbit ang dalawang bag. Saktong sakto ang dating niya. 

"Grabe ha, ang tagal mo, girl! Buti nalang wala pa masyadong tinuro!" Panimula niya sa akin. Agad kong kinuha ang bag ko. 

Lumingon ako sa lalaki. "I need to go now—" Naputol ang sasabihin ko nang may biglang sumigaw nang malakas. 

"Sky! Musta? Lakas ba ng sipa ko?" Sambit ng lalaking papunta sa gawi namin. Agad na nagtawanan ang apat na kasama niya pati na rin ang lalaking tinawag na Sky. 

"Siraulo. Malakas nga, out of play naman. Anong akala mo sa babaeng ito, goal net?" Sabay turo niya sa'kin. 

Maingay na nag-tawanan ang mga lalaki. Pati si Auvery ay nakitawa na rin.

"Ayos, lalo kang naging gwapo sa pasa mo!" Pang-aasar ng isa. Inirapan lang siya nung Sky.

 May isang naglahad ng kamay sa akin. 

"Hello miss, I'm Wil. Wil-you be my girlfriend?" Sambit niya. Agad na kumunot ang noo ko.

"Aray, basted ka Wil! Ang corny kasi ng linyahan mo!" Pangu-ngutya ng isa. 

"Joke lang, miss. Pero seryoso. My name is really Wil. And you are?" He asked me. 

"Madeline." Tipid kong sabi. 

"Bago ka rito, ano? Never pa kasi kitang nakita. By the way, I'm Aki." Inaantay ko ang punchline niya ngunit parang wala naman siyang balak magsabi kaya tumango na lamang ako. 

Gandang punchline sana yung, 'Hi I'm Aki, Aki-n ka nalang.' 

Pinanliitan ako ng mata ng lalaking foreigner. Nagulat ako nang magsalita siya ng tuwid na tagalog. "Kamukha mo si Daenerys." 

Agad na kumunot ang noo ko. 

"Sino 'yon, pre? Babae mo?" Tanong ni Wil. 

"Bobo, sa Game of Thrones 'yong tinutukoy ko." Sabi nung mukhang foreigner. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon