Chapter 1

42 8 10
                                    

"Alyana, are you okay?"

"Alyana, are you happy?"

"Alyana, why are you so silent?"

"Alyana, gusto mo sumama?"

"Alyana, gusto mo ba ng kasama?"

Mga tanong na gusto ko sanang marinig. 'Bakit ang tahimik mo ngayon, okay ka lang?' oo ayos lang.

'Masaya ka ba ngayon, Alyanna?' hindi, pero ayos lang.

'Gusto mo bang sumama?' oo sana, pero parang ayaw niyo naman akong kasama.

Bakit ganun? Is there something wrong with me? Masama ba ang ugali ko? Mahirap ba ko pakisamahan? Bakit ako nagiisa? Buo naman ang pamilya ko pero bakit pakiramdam ko hindi ako kasali sa kanila? I feel so out of place.

Wala akong kaibigan sa iskwelahan. Ah meron pala, si Cindy. Pero bakit ganun? Bakit kaibigan niya lang ako kapag may pabor siyang hiling sakin? Alam ko naman na hindi tunay na kaibigan ang turing niya sakin e. Alam ko na pinagtatawanan at pinaguusapan nila ako kapag hindi nila ako kasama pero ayos lang.

Ayos lang sakin. Kasi si Cindy, tinatanong niya ko kung kumusta ako bago humingi ng pabor. Pathetic, right? Right.

Sa bahay, sa bahay matatagpuan ang mga taong tunay na nagmamahal at nakakakilala sayo. Pero bakit ganun? Bakit hindi nila alam na hindi ako okay? I'm not okay. I am not happy. I felt so tired today. I'm sick Mom.

Bata pa lamang ako ganun na ang pamilyang meron ako. Don't get me wrong. Mom and Dad are loving parents. They always make sure Kuya Paulo gets the best in everything. Always attending Ate Sarah's event in school. Same as bunso, Cally. Sa tuwing uuwi galing school si Ate Sarah meron na nakahandang hapunan para sa kanya. Sa tuwing aalis papunta sa trabaho si Kuya Paolo parang laging unang araw niya sa trabaho. They always tell how proud they are to my Kuya and Ate. They always tell how much they love bunso.

Pero sana, sakin ganun din sila no? Sana ako din. Sana, umattend din sina Mom and Dad nung grumaduate ako nung elementary kasi top student ako nun e. Kahit sana bumawi silang nung naggraduate ako ng highschool, still the top student. Kasi, para sa kanila yun e. Dahil sa kanila kaya ako nagsikap maging honor student. Kapag nag graduate kaya ako this year ng college, attend na ba sila? I hope so. You know, I envy my siblings sometimes but I love them more than anything in this world kaya sabi ko sarili ko. Ayos lang yan Alyana, atleast pinapakain at pinagaaral ka pa rin nila kaya dapat magpasalamat ka pa sa Diyos at sa magulang mo. Dahil kung hindi sa kanila, baka nagpapalaboy ka na sa kalsada.

Bumangon na ko sa kama ng marinig ko ang katok sa pintuan. "Ate Alyana, Can I come in?" Cally.

Tinignan ko kung anong oras na. Its 6 am. Alas 8 ng umaga ang pasok ko sa skwelahan kaya may dalawang oras pa ko para magasikaso. I'm taking up business management course and it's my last year. Consistent Dean's lister. Hopefully gets the Summa Cum Laude so I can get my parents proud. Sana.

Pumasok si Cally, my youngest brother. He's 7 years old. Still wearing his pajamas. May bitbit itong isang book. Mathematics book to be exact. He's smiling cutely at me while I'm eyeing his book.

"Good morning my beautiful ate. Wow, you look so good in the morning!" eksaheradang sabi niya. Ang dalawang kamay ay nakahawak sa magkabilang pisngi at naglalakihan ang mga mata at bibig. Nakasuot ng may gradong salamin dahil malabo ang mata ng kapatid ko. Nakaipit sa kili kili ang librong dala niya.

Nakasandal ako sa headboard at napatawa ng kaunti gawa ng kapatid. He's always like that every time na magpapatulong sa kanyang assignments. He is so adorable so how can I hate him?

I don't hate my siblings. I love them. Sana ganun din sila sakin.

"Come here Cally, wag mo na ko bolahin. Baka mahuli ka pa sa klase." Inilahad ko ang kamay ko at binigay niya sakin ang libro na hawak niya. Tumabi naman ito sa akin at sumandal din sa headboard. Narinig ko pa ang pagbulong nito ng 'sungit' kaya natawa ako.

Ferran AndrasteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon