Matapos kong ipark ang kotse dumiretso na muna ako sa bulletin board para makuha ang schedule ko. Unang araw ng pasukan ngayong taon kaya minabuti kong pumasok ng maaga para hindi ako mahirapan maghanap ng class room.
Pribadong paaralan ang pinapasukan ko. Dito rin nagaaral si ate Sarah ngunit magkaiba kami ng building dahil iba ang kurso niya sa akin. Mayroon ding high school at elementary sa buong campus.
Naglalakad na ko sa hallway papunta sa una kong klase. Bago ako makarating sa tamang building ay madadaanan muna ang school cafeteria at doon ko nakasalubong si ate Sarah kasama kaibigan niya.
Nandito na rin pala siya.
Nang nagkasalubong ang mata namin ni ate ay parang wala lang itong nakita. Tuloy lang ang lakad nila ng kasama niya. This is how she treat me in school. Like I'm a stranger to her. Like I'm no one. Hindi ko man alam kung bakit ay hinayaan ko nalang.
Gusto kong magkasundo kami kaya ako na ang magkukusa. Dahil ate ko siya. Pamilya ko siya at mahal ko siya. Bago pa sila makalagpas sakin ay pinigilan ko na siya. "Ate Sarah." tumingin ito sakin.
Ngumiti ako ng bahagya sa kanya bago magsalita. "I'm sorry kanina sa bahay. Hindi ko gustong maoffend ka. Sorry Ate." sabi ko sa kanya.
Umismid lang ito saakin at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Narinig ko pang nagtanong ang kasama niya "Kapatid mo? I didn't know you have sister." said the girl
"Unfortunately." walang ganang sagot ni ate Sarah at natawa pa ang babaeng kasama niya.
Naiwan akong nakatayo at nakahabol ng tingin sa kanila. Bakit ganun? Ayaw niya bang maging kapatid ako? Did I do something to her? Hindi naman siya ganito sakin dati e. Ayaw niya ba sakin? Si Mom kaya ganun din? How about Dad?
Natawa na lang ako sa sarili. Hindi na ba ko mauubusan ng bakit? Bakit? Why does my family hates me?
Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy papunta sa klase. Hindi ko nalang muna iisipin ang nangyari. Mag aral ka nalang mabuti para matuwa sina Mom at Dad.
Pagkarating ko sa class room ay may iilan na ring studyante. Umupo ako sa dulong bahagi ng room sa tabi ng bintana at habang naghihintay sa prof ay nagbasa nalang muna ako ng libro dahil gaya ng sabi ko, wala akong kaibigan.
Lumipas ang ilang minuto ay siyang pagdagsa ng studyante. Isa na doon si Louise Andraste. Anak ng kapatid ni Antonio Andraste, ang mayari ng school na to. With her shouder length brown straight hair. Wearing an elegant plaid sheath high waist above the knee skirt at ang fitted pink high neck long sleeve. Louis Vuitton bag and high heeled desert boots masasabi mo talaga na isa nga siyang Andraste. Kilala ang pamilya nila sa buong Ilocos dahil bukod sa paaralang ito ay marami pa silang negosyo sa Ilocos at maging sa Maynila. Tumahamik ang ilang studyante at napatingin sa pagdating niya.
Hindi nagtagal at may dumating ulit na panibagong Andraste na siyang nagpatili si iilang kaklase kong babae.
Standing outside is none other than Leander Andraste. Ang pangalawang anak ni Don Antonio at Alicia. Deep mysterious eyes. Matangos na ilong. Fringed up haircut at ang mga ngising naglalaro sa labi. He's enjoying the attention. Siguradong maraming mapapaiyak at mabibihag na babae ang lalaking ito.
Nilibot muna nito ang mata sa loob ng room bagay na lalong nagpaingay sa mga babae. Inakbayan nito si Louise na ang sama ng tingin sa mga babaeng kaklase bago nilingon si Leander."Enjoying much Cous? So much for your first day eh? Layas na!" pagtataboy nito sa pinsan.
Tumawa muna si Leander bago guluhin ang buhok ni Louise. "Chill Cous. See you later sa bahay sabi ni Kuya." nakalayo na ito kay Louise bago pa makaganti. Inis na inayos muna nito ang buhok.
BINABASA MO ANG
Ferran Andraste
Любовные романыAndraste Series #1 Story of Ferran Andraste and Alyana Montemayor Slow update