Chapter two

27 3 2
                                    

        Nagising na lamang ako sa ingay ng alon ng dagat at sa ingay ng mga palaka napatingin ako sa buong paligid ko nasan ako.bakit walang ibang tao ? nasan na sila..?

        Tsaka ko lang naalala ang buong nangyari. Naalala ko na kung anong nangyari lumubog ang barkong sinasakyan namin napahawak agad ako sa buo kong katawan dahil baka patay na pala ako hindi ko pa alam. May mga galos lang ako sa katawan pero salamat wala masyadong nangyari sakin salamat at hindi pa ako patay.

        Napatingin muli ako sa buong kapaligiran hinahanap ko kung may iba pang tao sa islang ito bukod pa sa akin. Sana may iba pang inalon dito ngunit wala akong makita natatakot tulog ako..

        Nagsimula na akong maglakad-lakad Malinaw ang tubig sa dagat. puting-puti ang buhangin. napatigil ako sa paglalakad. Hindi ako nandito para mamasyal lamang ang pagka padpad ko dito ay isang aksidente lamang kaya kailangan kong gumawa ng paraan kung pano ako makakaalis dito.

        hindi ko alam kung anong klaseng isla ito at kung ano ang mga hayop na nakatira dito baka meron pala ditong lion. Napasigaw nalamang ako ng sobrang lakas na nag eecho pa sa islang ito "TULONG, TULUNGAN NYU AKO.!!!"  Nang biglang may nagsalita..

        " Miss, Pwedeng huwag ka masyadong maingay." Ang kanyang boses ay nag mula sa di kalayuan saakin.

        Napatigil ako at napalingon sa nagsalita. isang lalaking matipuno at gwapong lalaki na suray-suray kung maglakad lumalakad siya papalapit saakin Habang papalapit unti-unti ko na siya nakikilala at siya ay si JOSEPH MARCO isa sa mga artista at kabanda ni COCO MARTIN nakinahuhumalingan ng buong bansa.

        Ang kaninang takot na pagsigaw ay napalitan na ng tuwa dahil hindi lang pala ako ang tao dito hindi na ako nag iisa sa lugar na ito. sabay takbo ko kay Joseph Marco hindi ko alam kung bakit pero bigla bigla ko nalang siyang niyakap ng sobrang higpit na akala mo ay close kami. Natutuwa ako dahil nakita ko ang isa sa paborito kong Artista. Natutuwa din ako ng malaman na may nakaligtas pa at napadpad sa kaparehong isla kung nasan ako. na alam kong hindi na ako nag-iisa doon.

   

        Halos masakal ko na si Joseph Marco sa sobrang higpit ng aking pagkakayakap sa kanya bahagya niya itong pinakalas

        " Hindi kasi ako makahinga eh, Sobrang higpit."

      "Naku, sorry sorry natuwa lang ako" Sambit ko habang tinititigan ang mukha niya. Napakakinis na napakakisig. namalayan ko nalang na hinahaplos ko na pala ang napaka kinis at gwapo niyang mukha.

        " Miss ? May Kasama ba tayo dito ?" Tanong niya na iniba ang topic. napaka bilis naman nitong baguhin ang topic.

        " Ha? Ah..... Eh.... Wala pa akong nakikitang iba ikaw pa lang."

Nabihag Mo puso koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon