Chapter 2

173 3 6
                                    

Pumasok na ako sa bahay ni Lola.
Nakita ko yung kabaong niya. Napaiyak ako. Naisip ko yung mga panahon na ginugupitan niya ako ng buhok, sa parlor kasi siya nag tatrabaho kaya sa kaniya nalang ako nag papagupit. Minsan, pag pasko o bagong taon ay pumunta siya samin sa Cagayan para puntahan yung anak niya at pinsan ko para kumustahin.

La, kahit sa maliit na panahon palang tayo nag kakilala, ang gaan na ng loob ko sayo at minahal na kita. Hindi ko makakalimutan yung mga panahon na kasama kita. Kung nasan kaman ngayon, sana masaya kana. Rest In Peace La.

Lyn?
Oh Jec! Kumusta kana? Si Jec nga  pala yung matalik kong kaibigan, matagal na din nung huli kaming magkita dahil minsan lang sila bumibisita sa bahay namin para dalawin yung pinsan niya na pinsan ko din. Hihihihi

Okay lang naman ako Lyn.(Lyn yan yung nickname ko) Kasama ko nga pala si July at si Pryl.

Si Pryl, siya yung nakababatang kapatid ni Jec. Si July naman yung pinsan nilang dalawa. Mahigit 10 taon ko na din yan silang mga kaibigan. Mababait ang mga yan, may topak nga lang HAAHAHAHA, pero maasahan naman.

Oh July, uii Pryl!(sabay apir) kumusta na kayo? Matagal na tayong di nag kikita ah!

Okay lang naman Lyn! Ikaw kumusta kana?! Ang tangkad mo na ah! Hahahahha

Okay lang naman maganda parin. HAHAHAH charot! Kanina lang ako nakarating dito. Ang Boring nga eh tsaka nagugutom na din ako.Meron bang pagkain? Tsaka chocolate?

Hay nako Lyn. Hanggang ngayon ang patay gutom mo pa din! Noong mga bata pa lang tayo, parati ka nalang namin nililibre dahil kada minuto kang gutom! Hali ka nga dito may pagkain sa loob.

Habang papasok ako, nahagip na naman ng mata ko ang lalaki. Ang Gwapo niya.Yung ngiti niya ang sarap pag masdan tas yung halakhak, sarap sa ears!

Huy! Lyn! Kanina pa kita tinatawag! Sino ba yung tinitignan mo!?

Wala naman tara na sa loob.

Alam kong may tinitignan ka! Sino bayan ha? Sino? ( sabay tingin sa tinitignan ko)

Ahhh! Alam ko na! Si Nathan yung tinitignan mo!

Ha? Sinong Nathan? (Patay malisya king tanong)

Si Nathan yung ampon ni lola.

Ibig sabihin, sya yung sinasabi ng lolo ko na ampon ni lola...at...at..at..

BAKLA SYA!!!?????

Oo. Bakit?

TANG*NA NAMAN OHH! BAKIT SYA PA !??

Unlucky Im In love With A GayWhere stories live. Discover now