Chapter 1

182 3 2
                                    

Janie POV

Oh Janie kamusta ang byahe?
Sabi ni Uncle Dan.
Okay lang naman po Uncle Dan, medyo nakakabagot nga lang.

Nandito na kasi ako ngayon sa terminal ng Malayan. Sinundo ako ng tiyuhin ko dito gamit ang motor niya dahil malayo pa yung bahay ng lolo ko dito, kaya nag pasundo ako. Diko alam pasikot sikot dito eh, maligaw palang ako, tsaka baka may kumindnap sakin dito at i salvage pa ako o ibebenta yung mga lamang loob ko. Hahahahha dami ko talagang iniisip.

Oh sya, halika kana Janie kanina pa naghihintay  yung lolo mo saiyo. Kinuha ko na yung mga gamit ko at sumakay na sa motor.

Oh Janie apo! Nandito ka na pala! Mabuti at ligtas yung byahe mo papunta dito. Ang laki laki mo na ah! Mahigit 5 taon na din kitang di nakikita.

Oo nga lo eh, medyo boring kase ang layo. Okay lang naman ako lo. Ikaw lo, kumusta kana? Yung mga pananim mo dito? Ang payat mo na lo ah, pinapabayaan mo ba yung sarili mo?

Hindi naman apo, talagang busy lang ako dito sa mga apartment na pina rerentahan ko. Osya, pumunta ka muna sa lola ng pinsan mo at magluluto ako dito ng makakain mo. May ampon nga pala yung lola ng pinsan mo, baka maging kaibigan mo yun, "bakla" nga lang sya.

Sige lo, sana nga maging kaibigan ko para may kausap naman ako dito.

Habang naglalakad ang daming sumasagi sa utak ko. Diko alam kung bakit. Maging kaibigan ko kaya yung ampon ni lola? Mabait ba? Sasabay ba sya sa mga trip ko? At kung ano- ano pa.

Salamat at nakarating na din ako. Pag pasok ko, nasagi sa paningin ko ang isang lalaki.


Ang gwapo, yung buhok niya ang ayos, yung katawan niya ang ganda, ang puti ng kutis niya, yung ilong niya ang tangos, tsaka yung kilay niya ang porma. Parang nag slowmo yung paligid ko, diko mapaliwanag yung naramdaman ko. Diko matanggal yung tingin ko sa kaniya. Tumingin siya, oo tumingin siya sakin. Yung mata niya, ang ganda, yung feeling na parang hinihigop ka gamit yung tingin niya. Nag ka titigan kami ng ilang minuto pero ako yung unang bumawi dahil parang nalulusaw ako sa mga tingin niya!

Janie! Mag hunos dili ka! Burol yung pinunta mo dito at hindi mga gwapo! Sabi ng isip ko.

Unlucky Im In love With A GayWhere stories live. Discover now