Chapter 4:Missing

10 0 0
                                    

Chapter 4:Missing

Zairyne

"nga pala zai,may event daw mamaya malapit sa park, wanna come?"tanong sa akin ni Denver

Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita sa si Samantha.

"Ako!i want!"masiglang tugon nito saka itinaas ang kaniyang kanang kamay.

Umupo nalang ako sa sofa saka kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa at nagfacebook nalang.

"Sama rin kami ni Yina"dugtong pa ni blake

Nagscroll lang ako ng nagscroll sa fb. Hindi nalang siguro ako sasama.

Tssk!edi kayo na ang magkakasama!ako lang naman talaga ang walang kasama.

"Sama ka ba samin zai?"tanong muli sa akin ni Denver

Tumingin ako kay Samantha na ngayon ay nakakunot na ang noo saka nakasimangot na nakatingin sa kawalan.

tss

"Hindi na,kayo nalang"matabang na sabi ko kay denver.

Ayoko ng sumama kung ayaw lang din ni Samantha.Hindi ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanila.

Tumayo na ako at aaktong aakyat na sa itaas ng magsalita si Denver.

"9:00 pm evening"sabi pa nito

hindi ko nalang siya pinansin at umakyat na sa kwarto ko.

Minsan napapaisip nalang ako kung kaibigan ba talaga ang turing nila sa akin.Tanging si Denver lang ang feeling kong tru friend. Ayos lang sa akin as long as hindi nila ako sinasaktan.

Wala na akong magulang dahil namatay na sila noong 7 years old palang ako dahil sa car accident.Sarili ko lang ang binubuhay ko ni wala nga akong kapatid kaya feeling ko talaga lonely ako.Ang sarap siguro magkapatid no?may kaharutan ,kaasaran at kayakap ka at may masasadalan ka rin.Im feeling down.Kahit na may kaibigan ako ganon parin ang tingin ko sa sarili ko.

"Smile please,you're my energy my love"nagulat ako ng may biglang bumulong sa tenga ko kaya napaabante ako at napatingin sa likod ko na wala namang tao.

Nagsitaasan lahat ng balahibo ko dahil sa nangyari.

Humiga ako sa kama saka pumikit at pinilit na matulog.Ayokong sumama sa kanila mamaya.Its 5:32 pm already at wala akong ganang sumama sa kanila.

Sa aking pagiisip ay hindi ko narin namalayan na bumibigat na ang aking mga talukap hanggang sa akoy nakatulog na.

----^^^-----

"Please ***** huwag kang babalik dito ng wala ng buhay.Hindi ko kakayanin"pagsusumamo ng isang babae

ang babae ay nakaluhod lang sa sahig habang ang lalaki ay nakatalikod sa kaniya.Madilim ang paligid at tila sa kanilang dalawa lang nakatapat ang ilaw.

"i'll come back to you my love just promise me that you will trust me and dont stop loving me,i love you my love"sabi naman ng lalaki na nakatalikod parin

Umiyak ang babae at muling nagsalita.

"Yes i'll trust you my love and i promise that i won't stop loving you just come back safe, alive and kicking"natawa ng bahagya ang lalaki sa sinabi ng babae

"yes my love"bulong pa ng lalaki

Unti unti humarap ang lalaki pero--

Napaupo ako saka aking kama hawak hawak ang aking dibdib na sobrang bilis ng tibok.Hinihingal din ako.Binangunot ba ako??At sino ang mga taong iyon?

Darkwood Where stories live. Discover now