Chapter 3:Who Are You?

7 0 0
                                    

Chapter 3:Who Are You?


Zairen

"Gising na!!!!"napabalikwas ako sa pagkakahiga ko ng sumigaw ang magaling kong kaibigan.

nasa pintuan siya ng kwarto ko at naguunat unat pa.Tinaasan ko siya ng kilay saka bumangon sa kama.

"Bangon na Zai!kakain na tayo!"excited na sigaw niya bago lisanin ang kwarto ko.

umiling iling nalang ako at natawa ng bahagya dahil sa inasta niya.

"kahit kailan talaga tsk tsk tsk"iiling iling na bulong ko.

Papasok na sana ako ng banyo ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si denver.

"Oh ano ginagawa mo diyan?"tanong ko sa kaniya

"kasi naman si Samantha ang aga aga eh nambubwiset!"maktol nito.

Tinulak ko siya palabas ng pintuan ng banyo saka tumawa ng malakas.

"wahahaha kung maghaharutan kayo"huminto ako sa pagtawa saka nagseryoso
"Please wag dito sa kwarto ko"dugtong ko pa.

Nginitian ko siya ng mapait pero isang matamis na ngiti ang sinukli niya sa akin.

"Tsk"

nilock ko ang pintuan saka ginawa ang daily routine sa banyo.Pagkalabas ko ng banyo ang kwarto ko ay magulo na.

Nabahala ako kaya tinignan ko ang cellphone ko sa ilalim ng bedsheet.Yes duon ko tinatago ang cellphone ko para hindi makita ng mga magagaling kong kaibigan na mapangtrip sa umaga.

May araw pa nga na pinagtripan nila ang cellphone ko.That was February 14...nakaraang linggo lang.Kinuha nila ang cellphone ko at kinuha ang battery then ang kawawang cellphone ko ay nilublob sa tubig at tinapon sa basurahan.

Ganyan sila kasama.Sa akin.

pero syempre di ako papatalo at ginantihan ko rin sila ano.Kinuha ko ang mga cellphone nila nung natutulog pa sila saka ko nilagay sa labas at itinanim sa ilalim ng lupa.

"Zai?"napatigil ako sa pag iisip ng marinig ang boses ni Denver

nagmadali akong pumasok sa banyo dahil di pa ako nakabihis.Hawak hawak ko lang ang doorknob. Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang boses ni Samantha

"Denver?"sigaw pa ni samantha

dinikit ko ang tenga ko sa pintuan at nakinig.I dont want to eavesdrop pero may nagtutulak sa akin na makinig sa usapan nila.ehh kakasura.

"oh sam teka lang kakausapin ko lang si zai.mauna ka na sa baba"malamig na tugon ni denver kay sam

malakas na napabuntong hininga si samantha.

"tss.Naiinis na ako sayo denver ah!palagi ka nalang Zai!,Zai nalang ng Zai!"nagulat ako ng tumaas ng ang boses nito at galit na

Hindi ko na kayang makinig.

"a-anong problema mo sam?"Napatigil ako sa pagbukas ng pintuan ng makita ang sumunod na pangyayari.Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ito.

si denver at sam ay nagkiss.

"Denver naman!Mahal kita!hindi mo ba ramdam yon!?palagi ka nalang kase Zai ng Zai!Napakaman--"hindi niya natapos ang sasabihin niya ng yakapin siya ni denver

ang sakit.Sana talaga hindi ko nalang siya nagustuhan.Sinasabi ko na nga ba at mali ang mahalin ang kaibigan ng palihim.Nasasaktan ako ngayon.Sana iniwasan ko na si denver ng malaman kong gusto din ni Samantha si denver!it was all my fault!!im so assuming!Naiinis ako sa sarili ko.

Darkwood Where stories live. Discover now