Naglalakad ako patungo sa aming classroom .Inayos ko ang aking mahabang buhok at hinawakang mabuti ang aking bag. First day of school na ngayon! Excited na ako ! . Lalo na makikita ko nanaman si Mathew 5 years ko nang crush! . Haaayst Mathew bat ba ang pogi mo!? . Ilang hakbang nalang malapit na ako sa pintuan ng classroom namin. Gaasssh Im so Kabado . Isang beses ko ulit pinasadahan ang aking buhok at nagsimula nang pumasok sa room
"ALISOOOON!!!" sigaw ng bestfriend kong si Angela , mabilis siyang tumakbo saakin at niyakap ako ng mahigpit halos matumba na kami sa sahig .
"Angela ! Ano ka ba ang oa naman neto"
Nahihiya kong sabi nakatingin na kase samin ang mga new classmate namin at itong si Angela wala man lang pakialam"Wow ! Lalo ka atang gumaganda Sis ! I love it " nagniningning ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ako
"Shhh ano kaba inuuto mo na naman ako , ano kailangan mo Libre? " ani ko
"Omayghad sis kilala mo talaga ako ofcourse libre ! Mamaya ah. " nagtawanan na lamang kami.
"wala pa ba si Mathew?" pabulong kong sinabi.
"Ha?! Si Mathew!!?" putragis ang ingay talaga ng bunganga neto dali dali kong tinakpan ang bibig niyang maingay at tumingin sa paligid, sakto naman pagtingin ko ay ang pagpasok ni Mathew sa classroom . Waaa Parang may mga anghel sa paligid , slow motion siyang naglalakad shit ang gwapo niya talaga , ang matangos niyang ilong ang kilay niyang makakapal ang labi niyang red na red AaaAaa. Mas lalo pang gumwapo ang paningin niya saaking mga mata ng pinasadahan niya ang kanyang magulong buhok. AaAaa BE MINE ! . Habang abala ako sa pagpapantasya may biglang may sumara sa bibig ko , hindi ko na namalayan na nakabukas na pala ang bibig ko , bigla tuloy akong nahiya.
"Tutulo na laway mo buti na lang nasara ko" sabi nang isang lalaki na pamilyar saakin. Tiningnan ko ang nagsalita .
"AaaaaAaaa Bestfriend kooo!! " sabay yakap ko kay Archilles bestfriend ko, mga bata palang kami bestfriend ko na ito parang kuya na nga turing ko dito eh
"Namiss kita kuya Archilles !" tudyo ko sakanya
Sumimangot naman agad siya
"Kailangan ko pa bang ulit ulitin sayo na hindi mo na kailangan tawagin akong kuya? Dalawang taon lang naman ang agwat natin. " simangot niya
"Asus namiss kita " paglalambing ko
" Namiss din kita Alison ko sobra " niyakap niya ako ng mahigpit ,sanay na ako na palaging may Alison 'ko' ang pangalan ko kapag binabanggit niya.
Niyakap ko din siya pabalik nang biglang tumunog ang bell
" Uy ! Baka malate ka na sige na Archilles mamaya nalang ! " tinutulak tulak ko siya , siya naman ay nakasjmangot lang at mukhang di sangayon sa pinapaggawa ko
" Sige na mamaya na kuya " pangangasar ko
"Hayst . Sige na . Sabay tayo umuwi mamaya ah. Namiss ko si Tita " ngiti niya saakin, Hinalikan niya ang aking noo bago umalis . Haysst ang sweet talaga ng bestfriend ko . Napangiti na lamang ako . Sakto namang dumatinf na ang aming guro kayat nagsi upo na kami