Nagring na ang bell hudyat na breaktime na , hindi ko na pala namalayan ang oras , nahagip ng paningin ko si Mathew na nagaayos ng gamit at nang natapos, agad na lumabas ito ng aming room . Hayst why so pogi? Hihihihi.
" Nasan na yung libre ko!!" ani ni Angela ingay talaga ng babaeng toh.
"bakit kailangang sumigaw ha?!" sigaw ko naman pabalik , syempre para ma feel niya kung paano masigawan.
" Hay nako Alison di ka na ba nasanay sa bibig ko?" nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom upang pumuntang canteen.
" Ewan ko sayo ang ingay ng bunganga mo" pangangasar ko . Nagkwentuhan nalamang kami habang naglalakad patungong canteen nang may naramdaman akong may matangkad na tao na tumabi sa gilid ko . Inakbayan ako neto, syempre kilala ko na kung sino
"Alison ko ! Miss na miss na kita ! " tiningnan ko siya nakanguso ito na para bang nagpapalambing , hayst ang cute talaga ng bestfriend ko kaya madaming nagkakagusto dito eh. Wait describe ko lang kung gaano ka perpekto mukha netong asungot na ito. Brown eyes , makapal na kilay , pointed nose , kissable lips , mahabang pilik mata , magulong buhok na bumabagay naman sa kanya , matangkad din syempre basketball player eh , hanggang balikat nga lang niya ako . Ewan ko ba dito kung bakit wala pang Girlfriend.
"Dahil na miss moko ! Iibre naman dyan!" nakangiti kong sabi patay ka sakin mauubos yang pera mo HaHaHa!
"Ano libre? Sinong manlilibre?!" sigaw naman nitong si Angela
Nagkatinginan na lamang kami ni Archilles at nagtawanan.
Nilibre kami ni Archilles . Lahat ng tinuturo naming dalawa ni Angela binibili niya . Buti nga't wala siyang reklamo eh.
Hawak hawak niya ang isang tray na puno ng pagkain. Mga pagkain namin ni Angela . Unti lang naman kase ang biniling pagkain ni Archilles para sakanya. Isang biscuit lang at tubig. Diet ba tong lalaking toh? .
Naghahanap kami ng mauupuan. Gumala ang paningin ko para maghanap kung saan pwedeng umupo. Nang may nahagip ang mga mata ko .
Si Mathew at isang magandang Babae. Nasa isang lamesa sila , kita ko ang saya sa mga mata ni Mathew habang nakatingin sa babae paminsan minsan pay sinusubuan niya ng pagkain ang babae. , mukhang ang saya saya niya. Kumirot ang puso ko sa nakita.
"Alison ko " mahinahong sabi ni Archilles
Tumingin ako sa kanya , kita ko ang sakit sa kanyang mga mata ."Alison kain na tayo beh " sabi naman ni Angela, kita ko din ang lungkot sa mga mata niya.
Nakita din ata nila ang nakita ko kanina.
Pilit akong ngumiti sa kanila. " Tara na ! Umupo na tayo buti may bakante na ! " pinasaya ko ang aking boses para malaman nilang ayos lang ako .
Umupo na si Angela sa tabi ko at nagsimula nang kumain. habang si Archilles ay nakatayo parin habang nakatingin saakin .
"Archilles kumain na tayo ! , umupo kana dali!" hinihila ko ang braso niya para makaupo siya ngunit nanatili lamang siyang nakatayo . Binitawan ko ang braso niya at nagbuntong hininga. Ano bang problema nang lalaking ito?
Maya mayay umupo na siya . Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kayat napatingin ako sa kanya .
"Dont Worry" pilit siyang ngumiti, yun lamang ang sinabi niya na hindi ko naintindihan . Tiningnan ko siya nang nakakunot noo
Ngumiti siya saakin " Tara na kumain na tayo " hindi nawawala ang kunot ng noo ko dahil sa sinabi niya kanina. Anong dont worry ha? .
Bigla niyang kinurot ang aking ilong. "Kumain ka na , wag mo nang problemahin yun" natutuwa niyang sinabi. Nagkibit balikat na lamang ako at nagsimula nang kumain