"Itigil ang kasal!"
Sigaw ng isang babaeng nakaitim na dress mula sa entrance ng simbahan.
Napalingon lahat kami sa kinaroonan nito nang may pagtataka sa mga mukha. Humahangos itong lumapit sa amin. Sa pagmamadali ay nadapa pa ito na agad din namang bumangon."Father, sandali lang po. Take two po kasi nadapa ako." she said between her sobs while trying to stand up.
What the-
Disbeliefs were all in our eyes. Hindi namin malaman kung joke ba ang sinabi nito o seryoso ito.
Lumakas ang mga bulungan ng mga taong naroon na tila mga nagkukumpulan na bubuyog sa kanyang pagdating."Miss, you're ruining my wedding. Will you please stop making a scene here?"
Si Mitz ay bakas ang pag-aalala sa mukha na kumapit sa aking braso.
"K-kiel... who is she?" Mitz asked.
"I don't know. I don't even know her,"
"H-hoy, sandali! Ang kapal naman pala ng mukha mo. Saan ka kumukuha ng lakas ng loob para harap-harapan akong itanggi?" asik nito habang garalgal pa rin ang boses.
Mugto na ang mata nito dahil sa pag iyak. Ang make-up ay hulas na rin kaya hindi na makita ng maayos ang mukha. Sabog ang buhok na akala mo ay ni minsan hindi nakaranas masayaran ng suklay.
Lumapit ito ng tuluyan saka ako sinampal at kinalas ang kamay ni Mitz na naka-angkla sa akin. Muntik pang matumba si Mitz sa ginawa nito mabuti na lang at naagapan itong saluhin ng ama ng aking nobya."Ano bang problema mo?"
"Ikaw ang problema ko! Hinintay kitang bumalik kasi ang sabi mo babalikan mo ako. Tapos heto ka ngayon? Magpapakasal sa iba," patuloy niya.
"Kiel! Anong kalokohan ito?" ma-awtoridad na tanong ng aking ama. Makikita na labis itong nadidismaya sa nangyayari.
"Dad, hindi ko nga alam. Ni hindi ko nga kilala 'yan," I reasoned out.
"Hindi naman siguro susugod 'yan dito at mangugulo kung wala kayong relasyon. I'm so disappointed in you, Kiel." ang ama ni Mitz.
Niyakap nito ang aking kasintahan saka iginigiya na paalis sa lugar na 'yun ngunit ayaw ni Mitz.
"I swear, Tito. I really don't know her. Paniwalaan niyo naman ako."
"Huwag kayong maniniwala diyan sa sinungaling na 'yan," pakikisawsaw pa ng babae sa usapan. Ang mukha ay tila nagmamakaawa. Pinaninindigan ang pag- arte na ito ang biktima.
Lalo lang nadagdagan ang galit na nararamdaman ko dahil parang ang nangyayari ay mas pinaniniwalaan pa nila ang dalagang nanggugulo ngayon sa kasal namin ni Mitz.
"Mitz 'wag kang maniwala sa kanya. Hindi ko talaga sya kilala," paliwanag ko pero tinabig niya lang ang kamay ko at tumakbo na palabas ng simbahan.
"Mitz!" tawag ng mga magulang niya.
Sinubukan ko siyang sundan ngunit hinila lang ako pabalik ng kanyang ama at ginawaran ako ng suntok kaya napasadlak ako sa sahig
"I thought you're the man enough for my daughter pero sa nakikita ko ngayon pinatunayan mo lang na wala ka talagang kwenta." sabi ng ama ni Mitz na dinuro duro pa ako bago sumunod sa aking kasintahan. Wala tuloy akong nagawa kundi ang habulin na lang sila ng tingin.
"The wedding is over. Magsi-alis na kayo!"
"Kiel! Hindi ka namin pinalaking bastos at walang galang." saway ng kanyang ama.
Nagpupuyos ang loob kong hinaklit ang babae sa braso nang makatayo ako mula sa pagkakasadlak.
Itinulak niya ako ngunit hindi iyon nakatulong para maalis ang mahigpit kong pagkakahawak sa braso nito. Sinubukan niyang magpumiglas pero hindi rin umubra."K-kiel ano ba? Nasasaktan ako."
"Let her go, Kuya. You're hurting her," sabad ng aking kapatid na mukhang naaawa pa sa babaeng ito.
"Talagang masasaktan itong babaeng ito kapag hindi niya itinigil itong palabas niya," banta ko.
Pumalahaw ito ng iyak kaya sinaklolohan na ng aking kapatid upang umawat.
I forcely pull her again. Wala na akong pakialam kahit masaktan pa siya."Kuya!"
"Look at what you've done. You ruined everything!" I frustratedly said to her. Nag-uumigting ang panga ko sa galit. I want to hurt her so badly.
"Kiel! Bitawan mo na siya. Walang magagawa 'yang init ng ulo mo." ani ng aking ama.
Maging ang aking kaibigan ay umawat na rin ngunit nagpumiglas lang ako lalo saka hinila paalis ang babaeng dahilan ng kaguluhan.
I swear, I'll make her pay for what she did.